JC de Vera posts photo of non-showbiz GF and their baby for the first time

IMAGE Instagram @stellaratelier via @akosijcdeberat / Rikkah Alyssa Cruz Facebook

JC de Vera finally shows photo of his longtime girlfriend Rika Alyssa Cruz, with whom he has a newborn daughter named Lana Athena.


Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ni JC de Vera sa publiko ang kanyang longtime girlfriend na si Rikkah Alyssa Cruz.

Base ito sa Instagram post ni JC kung saan ibinihagi niya ang larawan ni Rikkah at kanilang sanggol na anak na si Lana Athena.

Sabi ni JC sa caption: "My Strength. My happiness. My Inspiration. My motivation. My Love. My Life."

Kalakip nito ang iba pang larawan ng kanilang pamilya na tila kuha sa binyag ni Baby Lana Athena.

ENGAGED STATUS? Unang inamin ni JC ang tungkol sa kanyang pagiging ama sa panayam ng PEP Alerts noong May 18, 2018.

Hindi lang siya nagdetalye tungkol sa relasyon nila ni Rikkah dahil nais nitong maging pribado ang kanyang buhay, lalo't hindi ito tiga-showbiz tulad ni JC.

Pahapyaw ring nabanggit dito ang katanungan kung plano na ng couple magpakasal ngayong may anak na sila.

Read: FIRST-READ: JC de Vera, kinumpirmang may anak na sa kanyang non-showbiz girlfriend

Wala mang kumpirmasyong mula kay JC, kapansin-pansin sa primary photo ni Rikkah sa kanyang Facebook account na may suot siyang diamond ring na tila engagement ring.

Engaged na nga kaya sila ni JC?

At press time, wala pang opisyal na pahayag mula kay JC maliban sa pagiging proud family man niya.

Kapansin-pansin din ang pagtukoy ng aktor sa kanyang mag-ina bilang "#thedeVeras #myfamily #myhome."

CONGRATULATORY MESSAGES. Samantala, marami sa mga kakilala ng couple ang ikinatuwa na sa wakas ay naging bukas na sa publiko ang aktor tungkol sa pamilya nito.

Narito ang reaksiyon nila at ng ibang netizens base sa comments section ng post ni JC:





ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN