Andrea Torres admits being offended by negative comments about her brother with Down Syndrome

IMAGE Arniel Serato

Andrea Torres gets advice from her parents on how to deal with bashers: "Ano lang talaga sila, parang more on, 'Kailangan mong labanan ng prayers and positivity.'


Tungkol sa pamilya ang pinakamasakit na pamba-bash na naranasan ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Aniya, “Kapagka sa kapatid, naaapektuhan ako… minsan dyinu-joke nila yung ganun.

“Yung mongoloid… hindi ko siya kayang marinig, yung ganun.

“Lately, parang ang sinasabi nila, abnoy daw yung kapatid ko, iyon yung nao-offend ako…”

Hindi raw niya sinasagot ang mga ganung pamba-bash.

“Tatagal pa, e, hahaba. Pero na-offend talaga ako, dinamdam ko siya talaga.”

May Down Syndrome ang nakababatang kapatid ni Andrea na si Kenneth.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa presscon para kay Anthony Vincent Bova, ang international acting coach na nandito muli sa Pilipinas para sa Empowerment training o acting workshop ng GMA Artist Center kahapon, July 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.

DELETE, BLOCK. Binabasa ba ni Andrea lahat ng mga pamba-bash sa kanya?

“Pag nag-i-start pa lang na alam kong basher na, dini-delete ko na lang, tapos block.”

Sa mommy at daddy raw niya siya madalas umiyak, “Marami na akong iniyakan na comment.”

Ang parents din daw ni Andrea ang nagpapaalala at nagpapalakas sa kanya.

“Ano lang talaga sila, parang more on, ‘Kailangan mong labanan ng prayers and positivity.’

“Ganun lang talaga kasi parang, wala e, hindi mo maku-control yung part na yun ng work mo.”

Natuto na rin daw si Andrea na iwasang kimkimin ang mga sama ng loob niya sa bashers.

“Nasasabi ko naman sa family ko, nailalabas ko naman,” sabi niya at hindi na rin daw niya sinasagot ang mga ito.

“Lalo na pag wala namang followers, kasi tatagal pa yung usapan.

“Parang mas gusto ko na lang na kalimutan na lang natin, huwag na lang nating pag-usapan, parang ganun.”

FOCUS ON WORK. Kung mayroon siyang mensahe sa bashers niya, ano iyon?

Saad ni Andrea, “Wala, wala. Gusto ko lang mag-focus sa work ko, mag-focus na maging happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na maging okay ang mga bagay, iyon na lang ang pinagtutuunan ko ng pansin.”

Mapapanood si Andrea sa Victor Magtanggol ng GMA-7 na pagbibidahan ni Alden Richards.

Ano ang nais niyang matutunan sa workshop ni Mr. Bova?

“Adik ako sa workshop, e! Actually, every time na may soap, namumuhunan akong mag-workshop sa sarili ko.

“There’s always something new na dapat maging open ka na matutunan.

“So, feeling ko nga, dapat every year o twice a year nagwo-workshop kami, e.”

Malaking tulong daw kay Andrea ang empowerment training ni Anthony Bova bilang ang punto nito ay “emotional and psychological alignment for peak performance.”

“Kasi binibigyan kami ng iba-ibang options na kunyari hindi ka makarating sa gusto mong emosyon…meron ka pang ibang ways na puwedeng gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN