Anne Curtis looks forward to long overdue honeymoon with Erwan Heussaff in November

IMAGE Noel Orsal

Anne Curtis says she's looking forward to finally pushing through with her long overdue honeymoon with hubby Erwan Heussaff this coming November: "We're very excited so it's going to be a long break. Kasi, one year bago mag-honeymoon and pinagbigyan niya ko run. I give it to him naman."


May ilang showbiz fans na naniniwalang kapag ang artista ay nag-asawa ay nababawasan na ang ningning ng career nito.

Pero tila kabaligtaran ang nangyayari sa career ni Anne Curtis.

Isa si Anne sa pinaka-busy na artista sa taong ito.

Bago at pagkatapos niyang ikasal kay Erwan Heusaff ay walang tigil si Anne sa paggawa ng iba’t ibang proyekto.

Kaya natawa na lang ito nang matanong kung may oras pa siya sa kanyang mister.

Sinagot ito ni Anne sa presscon para sa kanyang nalalapit na concert, ang Anne Kulit: Promise, Last Na ‘To!, na ginanap sa B Hotel, Sct. Rallos, Quezon City kamakailan lang.

“Actually this year has been very crazy—yung schedule ko for Buy Bust, Aurora, concert, Showtime...

“Actually, ka-text ko siya [Erwan] kanina.

“Parang he was saying, 'When will I have dinner with you, just the two of us?'

“Sabi ko, 'Soon.'

“After this concert, I think, mas kokonti na ang schedules ko.”

LONG OVERDUE HONEYMOON

Ang honeymoon daw nila na halos one year delayed na ay sa November pa lang daw nila matutuloy.

Hirit niya, “Sa November, may time naman na 'ko for him.”

Sa South Africa raw ang magiging honeymoon nila.

Aniya, “We’re very excited so it’s going to be a long break.

“Kasi, one year bago mag-honeymoon and pinagbigyan niya ko run.

“I give it to him naman.”

UNDERSTANDING HUBBY

Sabi kay Anne, kung ibang mister siguro ang napangasawa niya, tiyak na nag-alsa-balutan na yun dahil inabot ng isang taon bago sila mag-honeymoon.

Pero pagpuri naman niya kay Erwan, “He’s very understanding of work.

“But he’s also very busy person.

“Pero I think, that’s just how Erwan is.

“He’s just very, very understanding man.

“And he supports my career just the same that I support him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We understand and support each other. Nagwu-work talaga.”

BIG DOME CONCERT

Balik-Araneta Coliseum na naman si Anne sa susunod na Sabado, August 18.

At kung dati raw ay gumapang lang siya sa concert niya, ngayon ay iba na ang maaalala ng mga manonood.

“Yung dati, gumapang lang ako.

“Ngayon, iikutin ko ang buong Araneta.

“So yun ang magmamarka sa mga tao.”

Bago ang concert, ano ang ginagawa niya?

Mabilis niyang sagot, “I pray.

“I really do. I really, really do.

“I honestly pray.

“Kasi I’m so scared of everything.

“Ano ang iisipin ng tao, ano ang mangyayari?

“Sana walang maaksidente, sana wala akong makalimutang linya.

“So I really pray and I just lift up the concert.”

K-DRAMA FAN

Kilala bilang K-drama addict si Anne.

Kaya isa raw ito sa mga gusto niyang magawa pa sa career niya.

“Aside from having my own family, ano pa ba ang hindi ko nagagawa?”.

“Gumawa ng K-drama,” natawang sabi niya.

“A K-movie with a Korean actor or actress.

“But aside from that, I think, the next chapter of my life is to start my own family.”

Kahit sa pagiging K-drama fan niya raw, suportado rin siya ng Mister niya at hindi raw ito nagseselos sa mga iniidolong Korean actors tulad ni Gong Yoo.

Pahayag niya, “Sobrang hindi.

“Yung bahay namin, may mga standee ng Korean cuties. Part na siya.

“In fact, Erwann even made an IG stories before, making a story like this is Anne’s ex-boyfriend.

“Sobrang hindi, hindi siya nagseselos.”

Dugtong pa ni Anne, “In fact, when we went to Korea last year, sinamahan niya pa kong puntahan ang lahat ng location.

“Kinukunan niya ko, ginawan niya ko ng videos.

“He’s very supportive of me being a fan girl.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN