KC Concepcion posts picture with new boyfriend, French filmmaker-businessman Pierre-Emmanuel Plassart

IMAGE Courtesy: @itskcconcepcion / @edz.mar on Instagram

KC Concepcion on her new boyfriend: "God's timing is perfect."


Si KC Concepcion mismo ang nagkumpirma sa Instagram ngayong madaling araw ng Sabado, August 18, kung sino ang bago niyang boyfriend.

Sa post ng 33-year-old na anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ipinakilala ni KC ang bago niyang minamahal.

Saad niya sa caption, “Warm, genuine, timeless.”


Naka-tag sa nasabing post ni KC ang @peplassart, na Instagram account ni Pierre-Emmanuel Plassart, isang French filmmaker-businessman na inilarawan niyang "may pusong Pinoy" sa panayam niya noong Hulyo.

Sa comments section, pinaunlakan ni KC ang ibang katanungan ng kanyang mga kaibigan at followers, at inamin niyang si Pierre ang bago niyang nobyo.









Sa mga may negatibong comments para kay KC at sa bago nitong boyfriend, ang sabi ng actress-host, hayaan na lamang daw ang mga ito.


WHO IS PIERRE?

Ayon sa IMDb.com, si Pierre, 35, ay ipinanganak sa Le Mans France noong August 29, 1982. Siya ay isang film producer at businessman kung saan ang kanyang pamilya, ayon sa post ng isang fan, ay nagmamay-ari ng mga supermarkets.

Nagtapos siya ng Economics sa France at filmmaking sa Los Angeles.


Ang kanyang unang short film ay may pamagat na Betrayed noong taong 2006.

Ayon sa isang follower, "I hope HE's the one already for you KC. You guys look good together."

Tugon ni KC, "God's timing is perfect."


Ayon pa sa isang follower ni KC, si Pierre daw ang lalaking kayang i-handle ang tulad niyang "independent, passionate, spirit-free, and beautiful inside out."

Sagot ng dalaga, "I think so too."


Nagkakilala raw sina KC at Pierre noong taong 2011 sa gala dinner ni U.S. President Bill Clinton.


HOPING THE BEST FOR ALY

Halos limang buwan na ang nakalipas nang inamin ni KC na hiwalay na sila ng dating boyfriend, ang dating team captain ng Azkals na si Aly Borromeo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nanatiling magkaibigan ng dalawa.

Ang hangad ni KC ay makahanap ang dating nobyo ng "right and best girl he deserves."



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN