Janine Gutierrez deactivates Twitter account due to bashers of team up with Alden Richards

IMAGE Bernie Franco

Kapuso actress Janine Gutierrez says she understands AlDub fans who bash her for being Alden Richard's leading lady in the prime-time series Victor Magtanggol


Aminado si Janine Gutierrez na isa sa mga rason ng pag-deactivate niya ng kanyang Twitter account ay dahil naaapektuhan siya sa mga negatibong komento dahil sa pagiging leading lady ni Alden Richards.

Magkapareha ang dalawa sa Kapuso prime time series na Victor Magtanggol.

May ilang fansi kasi sina Alden at Maine Mendoza (kilala rin sa tawag na AlDub) na kumukontra sa pagpareha kay Alden sa ibang leading lady.

Ayon kay Janine, "Yung Twitter kasi, parang masyado na akong nagiging dependent sa kanya.

"Alam mo yung paggising ko, yun ang una kong tinitingnan.

"Kasi nag-enjoy din po ako na i-promote yung Victor dahil excited din talaga ako sa mga kuwento, na ipalabas yung mga eksena, yung mga fight scene.

"Pero yung sa Twitter, pahinga lang po muna kasi natatakot ako na baka maniwala na ako dun sa mga sinasabi ng ibang tao."

Baka raw isabay ni Janine ang pag-activate muli ng Twitter account niya sa paglabas ng kanyang website.  

JANINE UNDERSTANDS

Aktibo pa rin naman si Janine sa Instagram, pero may mga nakukuha pa rin daw siyang pamba-bash kaugnay ng pagiging leading lady ni Alden.

"Sa Instagram, medyo may konti, pero naiintindihan ko naman po.

“Siyempre, nakakapanibago po, and alam ko din naman yung feeling na kapag meron kang sobrang gustong team-up, di ba, or couple…

"Siyempre nandun yung pagmamahal mo, so naiintindihan ko naman," paliwanag ng Kapuso actress.

Sa kabilang banda, masaya rin naman si Janine na may fans si Alden na sumusuporta sa kanilang tambalan.

"Pero thankful din po ako na marami ang sumusuporta and marami ang excited, lalo na po nung nag-Visayas kami, nag-Cebu and nag-Bacolod kami," pagtukoy niya sa regional shows ng cast ng Victor Magtanggol.

Dagdag ni Janine, "Madami po kaming na-meet don na nanonood ng Victor Magtanggol, so very thankful din po talaga.

"Tsaka okay na yun kahit me konting [namba-bash]…"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Janine sa story conference ng Elise, ang upcoming movie niya kasama si Enchong Dee na ipoprodyus ng Regal Entertainment, Inc.

NEW MOVIE

Isang black comedy ang pagbibidahang pelikula nina Janine at Enchong.

Sabi ni Janine tungkol sa pelikula, "Elise is a life-long love story about these people. Their whole lives parang nag-i-intertwine ang buhay nila.

"Parang tungkol siya sa great love.

"Ang tanong ay magkatuluyan ba ang great love niya?"

Ipinaliwanag din ni Janine kung bakit challenge sa kanya ang pelikulang ito.

"Sa tingin ko, sa lahat ng ginawa kong movies, parang ito yung pinakatotoo.

"Kaya nga hirap na hirap akong ipaliwanag yung concept ng movie, kasi very true to life siya, na it’s complicated.

"Merong masaya, merong malungkot, merong nakakatuwa, and parang first time ko lang na gumawa ng movie na ganito." 


Stories We Are Tracking

Janine fears being bashed because of tandem with Alden
Janine fears being bashed because of tandem with Alden
Alden Richards pleads to bashers of co-stars Janine, Andrea
Alden Richards pleads to bashers of co-stars Janine, Andrea


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN