Donny Pangilinan says Kisses Delavin is girlfriend material, but...

IMAGE James Patrick Anarcon

"She's the type of person na you can talk about everything. Right now, I'm just very happy to be where we are right now," says Donny Pangilinan about love team partner Kisses Delavin.


Sa kabila ng hiling ng DonKiss fans na sana ay mauwi na sa totohanang relasyon ang tambalang Donny Pangilinan-Kisses Delavin, nagpapasalamat naman si Donny na hindi sila pinipilit o pinupuwersa ng kanilang mga tagahanga na mangyari nga ito.

Pagmamalaki pa ni Donny sa DonKiss fans, laging buo ang suporta ng mga ito sa kung ano ang nararamdaman o gusto nilang gawin ng kapareha.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Donny sa nakaraang ABS-CBN Ball na ginanap sa Makati Shangri-La Manila, noong nakaraang September 29.

"Actually, they are not the type of fans na parang they pressure us. They let us on our own pace, enjoy work, enjoy friendship, enjoy learnings. Very blessed kami na ganun ang mga supporters namin, sobrang open and sobrang close namin sa kanila," sabi ng 20-year-old na binata nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Siniguro rin ni Donny na hindi lang siya, kundi pati na rin si Kisses ay hindi nagpapakontrol sa dikta ng ibang tao.

"Hindi talaga, and also Kisses, she's the type of person that's herself and only do things na talagang gusto niya."

GIRLFRIEND MATERIAL, BUT...

Aminado si Donny na maraming espesyal na katangian si Kisses pero aware siya na sa ngayon ay hindi pa talaga bukas sa pakikipagrelasyon ang kapareha.

"Madami, down-to-earth… Yung pagiging down-to-earth niya and reachable to anyone talaga.

"Girlfriend material? Di ko masagot yan kasi ang alam ko sa kanya, kung siya ang tatanungin, kailangan past 25 na siya pag magbo-boyfriend siya.

"But for me, I think for a lot of guys, yes," kumpirma pa ni Donny sa pagiging girlfriend material ni Kisses.

“She's the type of person na you can talk about everything.

"Right now, I'm just very happy to be where we are right now."

ZEKE AND SHIELA

Sa ngayon ay inaabangan ng fans ang DonKiss tandem sa Playhouse kung saan kapansin-pansin nga raw ang chemistry ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang galing nga kaso di pa nag-i-start yung story nila Zeke and Shiela,” banggit pa ni Donny sa characters nila ni Kisses sa Playhouse.

“Nagkita lang sila ng isang beses pero next week yun talaga ang dapat nilang abangan kasi mag-i-start yung parang journey nila.

“Very happy kami na nagustuhan ng mga viewer so far."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN