Andi Eigenmann compares current boyfriend with her exes

IMAGE Noel Orsal / @chepoxz on Instagram

Actress Andi Eigenmann reveals what makes her current boyfriend different from her ex-boyfriends. Andi's exes include model-surfer Emilio Arambulo, actor Albie Casiño, and Jake Ejercito, a politician's son.


Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Andi Eigenmann tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Inamin ni Andi na tatlong buwan na silang magkarelasyon ng Siargao-based surfer na si Philmar Alipayo.

Pero bago ang pag-aming ito, maraming beses nang nag-post sina Andi at Philmar ng sweet photos nila at mga caption na nagtataglay ng “I love you.”

August 2018 nang unang magpahiwatig sina Andi at Philmar, sa pamamagitan ng social media, na may namamagitan sa kanila.

“I’m just really new with Philmar. We’ve been [together] three months. It’s like really new.

“I didn’t expect it but… he’s been my friend for one year,” kuwento ni Andi sa press conference ng kanyang upcoming horror movie, ang All Souls Night, na ginanap sa Sampaguita Gardens Events Place, Quezon City, ngayong Martes, October 16.

Ayon kay Andi, kaibigan na niya si Philmar noong sila pa ng model-surfer na si Emilio Arambulo.

Naghiwalay sina Andi at Emilio pagpasok ng 2018, at naging magkasintahan daw sila ni Philmar nito lamang July.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi kung ano ang ipinagkaiba ni Philmar sa kanyang mga dating boyfriend.

Paliwanag niya, “Well, for one, I’m really motivated to be the best version of myself.

"Like, it’s the first time I’m with someone who really supports me with that, and then without also forgetting the fact that I have a daughter.

“Yun yung number one thing about him, that I feel, like, really parang na-catch niya yung heart ko.

"Kasi, not that it was him who showed me how important my daughter is, but he showed me that I can live a life of being a twenty-eight-year-old and being young and free.

"But at the same time, incorporating my relationship with my daughter and time with my daughter there [Siargao] more than ever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Emilio, ang iba pang naging kasintahan ni Andi ay ang aktor na si Albie Casiño at si Jake Ejercito, anak nina Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at Laarni Enriquez.

Nagkaroon ng anak si Andie kay Jake, ang anim na taong gulang na si Ellie.


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann in a relationship with champion surfer?
Andi Eigenmann in a relationship with champion surfer?
Andi Eigenmann, rumored surfer boyfriend post HHWW photos
Andi Eigenmann, rumored surfer boyfriend post HHWW photos
Andi Eigenmann posts good luck message to surfer boyfriend
Andi Eigenmann posts good luck message to surfer boyfriend
Andi passionately roots for boyfriend in surfing competition
Andi passionately roots for boyfriend in surfing competition

NO WEDDING BELLS YET

Inusisa ang aktres kung napag-uusapan na nila ni Philmar ang tungkol sa kasal.

Tugon niya, “Go with the flow, wala akong plans...

"I only know where I wanna be. I only know that I’m happy with my life at the moment—but that’s it.

“Things can change tomorrow, or in ten years, but that’s okay still, if I change my mind.”

So, hindi pa nila napag-uusapan ang kasal?

“Wala po,” sagot ni Andi.

Naninibago ba si Philmar na isang sikat na aktres ang kanyang girlfriend?

Paglilinaw ni Andi, “That’s not true because, in Siargao, he’s the celebrity.

"He’s the number one surfer of the Philippines. I’m the one who takes their pictures.

"Pero dito sa Manila, ako naman ang napapansin. Kasi hindi sila ma-TV dun, e."

Si Philmar ang kauna-unahang kampeon ng Philippine Surfing Championship Tour Men’s Division na ginanap noong 2017.

ANOTHER HORROR MOVIE

Nakailang horror movies na si Andi—kagaya ng Shake, Rattle & Roll 12 (2010), Pridyider (2012), at Tragic Theater (2015)—kaya natanong siya kung ano ang ipinagkaiba ng All Souls Night.

Saad niya, “Actually, if anything, I’m really proud of this because even if horror movie siya, hindi lang yung point is para sumigaw ka o magulat ka.

“I honestly think what makes a good horror movie is that less is more, so it didn’t really have to try hard to scare you, but as a viewer, I know that you will.

“It’s creepy in a sense na personal siya, ikaw na bahala magde-decide na nakakatakot siya, hindi dahil yung pelikula tina-try na talagang magulat or pasigawin ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang All Souls Night ay idinirek nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag, habang si Yam Laranas ang creative head.

Magbubukas ito sa mga sinehan sa October 31.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN