IN PHOTOS: OPM Hitmakers, Martin, Ogie, Angeline, Erik give musical tribute to Rico J. Puno

IMAGE Mark Atienza / Rico J. Puno Facebook (Rico J photo)

Nanguna ang OPM Hitmakers (second quadrant, clockwise) na sina Nonoy Zuñiga, Marco Sison, Rey Valera, at Hajji Alejandro sa paggunita ng masayang alaala nila kay Rico J. Puno. Maging sina Angeline Quinto at Erik Santos ay natawa sa makulay na buhay nito. Kumanta naman si Martin Nievera ng "Together Forever."


Tagumpay ang pagbibigay-pugay ng beteranong singers sa bansa sa legendary OPM singer na si Rico J. Puno.

Pumanaw si Rico sa edad na 65, noong October 30, dahil sa heart failure.

Katulad ng kagustuhan ni Rico, napuno ng kantahan at katatawanan ang necrological service at eulogy na ginawad sa kanya ng kanyang kapamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz.

Pasado alas-otso kagabi, November 7, nang magsimula ang misa sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City.

 IMAGE Mark Atienza

Nanguna sa kantahan ang mga kagrupo ni Rico sa OPM Hitmakers na sina Nonoy Zuñiga, Marco Sison, Rey Valera, at Hajji Alejandro.

Inihandog nila ang madamdaming awitin ni Rico na "Kapalaran."

(L-R) Nonoy Zuniga, Marco Sison, Rey Valera, and Hajji Alejandro
 IMAGE Mark Atienza

Sa kanilang eulogy, isa-isa nilang nilaglag ang "standard" jokes ng yumaong singer-actor.

Ani Rey, "Kapag nagkakagulo yung mga fans sa kanya, bigla siyang sisigaw sa mic, 'Wala bang bata-bata diyan?!"

Walang kupas ang galing ni Martin sa rendition niya ng kantang "Together Forever" habang taimtim na tumatanggap ng Holy Communion ang nagsipagdalo sa misa.

Martin Nievera
 IMAGE Mark Atienza

Napahagalpak naman ng tawa sina Angeline Quinto at Erik Santos habang nakikinig sa kuwento ni Bibeth Orteza tungkol sa childhood memories niya sa kaibigan at ka-schoolmate na si Rico.

Pati si Jayda Avanzado, na nakaupo sa tabi ni Angeline, napangiti rin sa istorya ng kakulitan ni Rico mula pagkabata.

Si Jayda ay anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Noong misa, kumanta si Angeline ng "Lupa" at si Erik naman ay inawit ang "Panunumpa." 

Jayda Avanzado, Angeline Quinto, and Erik Santos
 IMAGE Mark Atienza

Ayon kay Bibeth, si Rico ang unang lalaking nagpaiyak sa kanya noong sila ay Grade 6 pa lang.

Nagpasintabi pa si Bibeth bago ibinunyag na first time niyang magsuot ng bra sa school nang mapansin ito ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang pasubaling isinagaw raw ng singer-actor, "Si Orteza naka-bra! E, kasi ang laki!"

Nang magsumbong daw si Bibeth sa kanyang class adviser, nangako raw si Rico na hindi na niya ito uulitin.

Pero pagkatapos ng dalawang araw, sumigaw raw ulit sa school si Rico J, "Si John Lennon naka-bra! Ang laki kasi!"

Umiyak ulit si Bibeth.

Pero nang magsumbong siya sa teacher, rason daw ni Rico, "Hindi ko sinabing Orteza. Kaanu-ano ba niya si Lennon, ba't siya umiyak?" 

Sadyang pilyo raw talaga noon pa si Rico.

Bibeth Orteza
 IMAGE Mark Atienza

Nagpatunay naman sina Claire dela Fuente, Imelda Papin, at Eva Eugenio kung gaano katindi ang pagmamahal ni Rico J sa trabaho.

Balik-tanaw ni Claire sa isang singing engagement nila noon, "Dumating siya naka-stretcher talaga at saka naka-oxygen!"

Pero tatlong linggo bago ito namatay, tumawag pa raw si Rico kay Claire para lang ibalitang magaling na ito at hindi na kailangan pa ng oxygen support.

Malaki raw ang pasasalamat nila kay Rico dahil isa ito sa nagbigay sa kanila ng break sa music scene.

Pagkatapos ay kinanta nila ang original song ni Rico J na "Ang Tao'y Marupok."

Claire dela Fuente, Imelda Papin, and Eva Eugenio
 IMAGE Mark Atienza

Isa pang hit song ni Rico J, ang "Buhat," ay kinanta naman ni Ogie Alcasid para sa offertory song ng misa. 

Nakakaantig ng damdamin ang lyrics ng love song na ito: "Magbuhat nang kita'y makilala / Bawat masdan ko'y kariktan / Sulat ang sadyang kaligayahan / Na magbuhat sa iyo buhay nyaring buhay."

Ogie Alcasid
 IMAGE Mark Atienza

Isang pambihirang pagkakataon din ang marinig ang galing sa pagkanta ng OPM singers na sina Richard Reynoso, Rannie Raymundo, Renz Verano, at Chad Borja.

Lampas ten minutes ang medley production number nila, pero grabe ang hugot sa bersiyon nila ng "Kapantay ay Langit," "Sana'y Maghintay Ang Walang Hanggan," "Kahit Ikay' Panaginip Lang," "Mahawi Man ang Ulap," at "Ikaw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
(L-R) Richard Reynoso, Rannie Raymundo, Renz Verano, and Chad Borja
 IMAGE Mark Atienza

Hindi nagpahuli ang batikang singer na si Dulce sa kanyang bersiyon ng original song ni Rico na "Diyos Ang Pag-ibig."

Nababagay ito sa singer-actor, na hanggang sa huli ay inalay ang talento sa pagkanta para sa Diyos.

Sabi sa isang bahagi ng lyrics, "Patnubay niya'y ating hilingin / Ngayon, magpahanggang libing."

 IMAGE Mark Atienza

Samantala, namataan din ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa huling gabi ng lamay para kay Rico.

Tiyempong nakunan namin sila kasama sina Martin at Ogie sa kalagitnaan ng eulogy.

Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, Martin Nievera, and Ogie Alcasid
 IMAGE Mark Atienza

Bago pa nagsimula ang necrological service, nadatnan namin si John Estrada kasama ang misis niyang si Priscilla Meirelles na nakiramay sa naulila ng tinaguriang Total Entertainer.

Nasa chapel pa noon ng Santuario de San Antonio ang labi ni Rico na sandaling inilagak sa main church para sa misa at eulogy.

John Estrada and Priscilla Meirelles
 IMAGE Mark Atienza

Naroon din sa huling gabi ng lamay sina Jenine Desiderio at Patricia Javier.

Jenine Desiderio and Patricia Javier
IMAGE Mark Atienza

Taimtim namang nagdasal sina Matteo Guidicelli at K Brosas sa alay na misa para sa yumaong singer.

Sa nakaraang ulat ng PEP Troika sa PEPalerts, isa sa huling request ni Rico ay makasama si Matteo sa Music and Laughter (Sana Tatlo Ang Puso Ko) concert sa November 23. 

Tinawagan pa raw ni Rico si Matteo para kumbinsihing sumama sa kanila nina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez.

Matteo Guidicelli and K Brosas
 IMAGE Mark Atienza

Namataan din si dating Vice President Jejomar Binay at dating Senator Jinggoy Estrada sa huling gabi ng lamay.

Si Rico ay nagsilbing konsehal ng Makati City mula 1998 hanggang 2007 at mula 2016 hanggang sa pumanaw ito.

Pursigido pa man din itong tumakbo ulit sa pagkakonsehal sa 2019 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Former Vice President Jejomar Binay and former Senator Jinggoy Estrada
 IMAGE Mark Atienza

Si dating Makati City Mayor Junjun Binay ang unang sumalang sa eulogy.

Sangguniang Kabataan pa lang daw siya ay nakakasama na niya ang singer-actor.

Naging running mate pa raw sila nang kumandidato bilang vice mayor si Rico noong 2010, pero hindi pinalad manalo ang huli noon.

Sa kabila nito, sabi ni Junjun, "I was lucky to have him as my friend."

Former Makati City Mayor Junjun Binay
 IMAGE Mark Atienza

Short but sweet ang eulogy ng misis ni Rico na si Doris Puno.

Aminado raw si Doris sa pagiging matinik sa tsiks ng singer-actor.

Pero sa kabila ng matagal na panahon nilang hiwalayan, tinawagan daw siya ni Rico noong 64th birthday ni Doris noong June.

Ito raw ang naging hudyat para magkabalikan sila.

"The Lord is full of surprises...

"I felt Rico wanted to make things right.

"Rico may not be with us anymore physically, pero natupad po yung isang pangarap, sa tulong ng dasal, for us to be one whole family again."

Doris Puno
 IMAGE Mark Atienza

Marami sa audience ang natawa nang sabihin ni Jun Puno na sobrang bait ng kapatid niyang si Rico, pero pagdating sa babae ay "galit-galit muna."

Pero seryosong dagdag niya, "Ito po ang kapatid ko na hindi marunong tumanggi sa mga kaibigan. Hindi siya nagbibigay ng oras para sabihing 'magpapahinga na ako.'" 

Kahit anong pilit daw nilang magkakapatid na makapagpahinga si Rico ay sadyang ganado ito sa trabaho.

Dagdag niya, "Talaga pong napakabait na kapatid. Wala po ako masasabi diyan."

Si Jun ang punong-abala sa programa sa ginanap na necrological service.

Jun Puno
 IMAGE Mark Atienza

Pagkatapos ng programa, nagkaroon ng pagkakataon ang mga nakilamay na magbigay-respeto kay Rico.

Dito ay makikita si Giselle Sanchez na humalik pa sa bandang mukha ng yumaong singer-actor.

Giselle Sanchez
 IMAGE Mark Atienza

Narito ang kuha ng iba pang nakiramay, kabilang ang aktres na si Rochelle Barrameda (in white near Rico J's remains).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Mark Atienza

Nakaupo sa first row ng upuan ng simbahan ang misis na si Doris at mga anak ni Rico J habang nakikinig ng misa at eulogy para rito.

 IMAGE Mark Atienza

Ngayong Huwebes, November 8, ihahatid sa kanyang huling hantungan si Rico sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Paalam sa legendary OPM singer, Rico J. Puno!


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN