Piolo Pascual admits losing his cool over comment on Instagram

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual admits losing his cool over a comment on Instagram: "Minsan sisisihin mo ang sarili mo kung bakit ka nagpadala, pero siyempre tao lang. Then after that not naman, erase... kasi yung mga ganung bagay di dapat pinapatulan. Pero you also have to put them in their place..." 


Nagsalita na si Piolo Pascual kung bakit hindi niya napigilang sagutin ang isang netizen na nagbigay-kulay sa birthday greeting niya para sa kapatid na babae na nagngangalang Pat. 

Kaugnay ito ng Instagram post ni Piolo noong October 14, kung saan ibinahagi niya ang litrato nila ng isang babaeng tinukoy niyang "best friend" at "my one and only Bubi." 

Nag-comment noon ang netizen na si @xhmphatica na baka boyfriend ni Piolo ang pinadalhan nito ng message.

Binigyan malisya ang post ni Piolo dahil hindi kilala ng karamihan na kapatid nito ang babaeng nasa picture. 


Stories We Are Tracking

Piolo Pascual curses basher over malicious comment
Piolo Pascual curses basher over malicious comment

Bilang isang tao ay nakaramdam din daw si Piolo ng pagkapuno, kaya hindi niya napigilang murahin ang malisyosong netizen. 

Paliwanag ng Kapamilya actor, ”Once in a while matitiyempuhan ka lang na wala ka sa hulog.

“Yung mga ganung pagkakataon, minsan sisisihin mo ang sarili mo kung bakit ka nagpadala, pero siyempre tao lang.

“Then after that not naman, erase... I take out my Instagram app kasi yung mga ganung bagay di dapat pinapatulan.

“Pero you also have to put them in their place because they also forget it's a private account.

“Even if I'm a public property, it's still my account, I have the right to say whatever I want to say.

“Just also to remind them na madaling mag-bash pero may repercussions din yun.”

Nakapanayam si Piolo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News bago ng 2018 Christmas station I.D. shoot ng ABS-CBN noong November 11. 

Nangyari raw ang sagutan nila ng netizen bago umalis ng bansa si Piolo para sa Father And Son U..S and Canada Tour 2018 nila ng anak na si Iñigo Pascual.

Sa puntong ito ay masayang ibinahagi ni Piolo na matagumpay ang naging tour nilang mag-ama, kung saan nakasama nila sina Maris Racal, Wacky Kiray, at Pokwang.
  
Sabi ni Piolo, “The tour, it was a success, we have a lot of inquiries for next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon na kaming dalawang confirmed na tour, hopefully. We can expand it kasi ang ganda ng response ng tao.

“And we're very excited. At least, I just don't travel with my son but tour with him.

“Magkasama na kaming nagtatrabaho, kumikita pa kami.

“We were both excited about it and happy… spending our time together and doing work together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN