Toni Gonzaga says husband Paul Soriano has no problem with her working with Sam Milby

IMAGE Noel Orsal / @celestinegonzaga Instagram

Toni Gonzaga describes how her husband Paul Soriano (right photo, wearing a cap) dealt with her reunion movie with former love-team partner and ka-M.U. Sam Milby (left photo, wearing a suit): "Paul knows... Even before, yung mga pelikula kong nagawa na mga romcom, hindi naman siya nangingialam."


Ibinahagi ni Toni Gonzaga na "hands-off" ang kanyang mister na si Paul Soriano sa pakikipagtrabaho ng aktres kay Sam Milby sa 2018 Metro Manila Film Fest entry na Mary, Marry Me.

Dito ay masasaksihan ang pagbabalik-tambalan nina Toni at Sam mula nang huli silang mapanood bilang love team sa 2009 movie na Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round.

Bukod sa pagiging lead star ni Toni sa Mary, Marry Me, ito rin ang unang pagsabak ng TV host/actress/singer bilang film producer, kaya hindi raw talaga nakialam si Paul sa proyekto.

Ang TinCan Productions film company na binuo ni Toni at ang TEN17P na pag-aaring film company ni Paul ay magkatulong na nagprodyus ng pelikulang pinagbibidahan nina Toni, Sam, at Alex Gonzaga. 

Pahayag ni Toni, “I just wanna share na Paul was hands-off in the project. He said na buong creative process, buong journey simula nong inupuan ang pelikulang ito, hindi mo siya makikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bibisita lang siya just to say hi. Twice lang siguro. He was really hands-off."

Pinatotohanan ni Sam na hindi nakikialam si Paul sa tuwing bibisita ito sa set ng pelikulang dinirehe ni RC delos Reyes.

Ani Sam patungkol kay Paul, "Parang present lang siya, pero hindi siya yung [makikialam]."

Dagdag ni Toni, hinayaan daw siya ni Paul na magdesisyon sa kung anong gusto niyang gawin sa pelikula.

"Hindi siya nag-impose ng kahit anong direction or anything, kasi sabi niya, 'That is your market, hindi ko alam yung ganyan.'"

PAUL'S RESPECT FOR ACTORS

Higit sa lahat, hindi raw isyu kay Paul kung mayroon mang kissing scene si Toni kay Sam sa pelikula.

Mas malawak na raw ang pang-unawa ni Paul sa propesyon ng isang artista, kumpara noong panahong magkasintahan pa lang sila at hindi pa ito sanay sa kalakaran ng showbiz. 

Kuwento ni Toni: "Nag-usap kami about it. Kasi recently nanood kami ng A Star is Born.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, 'You know why I am so involved in this film? Because si Bradley Cooper at si Lady Gaga, you would really feel their connection in the film.

"'Na if they slept together in the film, kung in real life may nangyari sa kanilang dalawa, hindi ko sila masisisi. Kasi they’re playing a role, e. They had to get into that character.'"

Malaki raw ang respeto ni Paul sa creative process ng artista.

Patuloy na paliwanag ni Toni sa usapan nilang mag-asawa, "Paul is not saying I should sleep with my co-actors!

"But he’s saying, 'Now I understand the process of actors, that you really need to get into the character. Because in the big screen, you cannot fake emotions. You can only put on so much. But as the film progresses, pag hindi sincere yung ibinibigay na acting, makikita yun sa pelikula.'

“So, Paul knows... Even before, yung mga pelikula kong nagawa na mga romcom, hindi naman siya nangingialam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam daw kasi ni Paul ang hirap ng trabaho ng isang artista.

SAM AND TONI'S REUNION

Samantala, hindi rin naman daw nagkaroon ng ilangan sa pagitan nina Sam at Toni kahit pa siyam na taon na ang lumipas mula nang magkatambal sila sa pelikula.

Ayon pa kina Toni at Sam, malaki na ang pinagbago nila mula noong naging love team sila sa mga pelikulang My Big Love (2008), You Got Me! (2007) at You Are The One (2006).

Bagamat nagkatrabaho rin sila sa 2013 movie na Four Sisters And A Wedding, si Bea Alonzo ang leading lady ni Sam doon.

Nauna si Toni magbahagi ng mga napansing pagbabago sa personality ni Sam.

"Super, better version of Sam Milby. Sam 2.0—the mature, the professional [actor].

"Sabi ko nga, ito sana yung Sam na nakatrabaho ko nung bata pa kami, kasi super wala kaming problem ngayon." 

Hindi kaila sa publiko na nagkaroon ng "mutual understanding" sa pagitan nina Toni at Sam noong panahong sila ay magka-love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akala mo magiging awkward kami," komento ni Toni sabay baling kay Sam kung nagkailangan ba sila sa set. 

Sagot naman ni Sam, "Paanong magiging awkward? Pero mabuti naman doon sa look test, hindi talaga awkward, e." 

Katunayan, minsan nagkatuksuhan pa raw tungkol sa past nina Toni at Sam habang kaharap si Paul.

At kahit inatasan sina Toni at Sam na umaktong sweet sa isa't isa habang nasa look test si Paul, hindi raw nakaramdam ng pagkailang ang magkapareha.

Ayon pa kay Sam, natutuwa siyang makita kung paano naman nabago si Toni ng pagiging pamilyado nito.

Pagbibida pa ni Sam tungkol kay Toni, “Si Toni, siyempre, I've seen how much she’s grown personally and as an actress.

"Yeah, we’re more professional. Mas clear yung working relationship namin."

"It's so nice to see how she is as a sister to Alex, and then as a mom nung dumating si Seve, and even with Direk Paul...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sarap makita kung saan siya ngayon and her happiness.

"It’s been nice working with her."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN