Vice Ganda posts travel photo with mom; gets comment from Kris Aquino

IMAGE Left: @praybeytbenjamin on Instagram; Right: @krisaquino on Instagram

Vice Ganda tells Kris Aquino, after replying to her comment on his Instagram post: "Happy Holidays!!! I love you!!!"


Masayang tinapos ni Vice Ganda ang kanyang 2018 dahil natupad daw niya ang isang pangarap ng inang si Rosario Viceral na makabisita sa sikat na tourist destination sa bansang Espanya—ang Sagrada Familia.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Vice noong December 31, 2018, ang larawan nila ng kanyang ina na nasa harapan ng sikat na templo sa Barcelona.

Sabi pa ng It’s Showtime host, “Last year she said she wished to go to Barcelona to be able to see the Sagrada Familia.

“My profession deprives me of quality time with my family.

“So, when given the chance I make sure every moment counts and everything creates a wonderful memory.

“Before this year ends, I brought her to where she wished to be."

Pero nagkaproblema pala si Vice bago sila nakarating sa Barcelona.

Hindi kasi niya alam na kailangang mag-book in advance para makapasok sa Sagrada Familia. Online ang pagkuha ng ticket.

Humingi ng tulong si Vice sa isang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I didn’t know we had to book online to get access inside the church. So, I asked a friend for help.

“Unfortunately, only one could get inside.

“And like a parent to a child I am now patiently waiting for her to finish her ‘field trip’ inside the Sagrada Familia.”

Ang Sagrada Familia o Basilica i Temple Expiatori de la Sagrada Familia ay isang kilalang tourist attraction sa Espanya.

Isa itong simbahan ng mga Romano Katoliko na itinayo sa siyudad ng Barcelona taong 1883. Nahinto ang pagpapatayo nito nung 1926 nang yumao ang arkitekto nito. Hanggang ngayon nga ay hindi pa ito tapos sa kabila ng pagpapatuloy ng konstruksyon dito.

Maaari lamang makabisita o makapasok sa Sagrada Familia sa pamamagitan ng reservation o advance purchase ng tickets online.

Dahil sa pagtupad ni Vice sa pangarap ng ina, sinabi ng comedian-TV host na masaya siya bilang isang anak.

Dagdag pa niya, “I AM THE HAPPIEST SON RIGHT NOW!!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fantastica is such a huge hit and continues to win in box office.

“But for me this is a bigger achievement. My biggest so far.

“To be able to grant my Nanay’s wishes as she gets older is big deal for me.

“Vice Ganda is accomplished. Tutoy is successful. This is how I end my 2018.”

View this post on Instagram

Last year she said she wished to go to Barcelona to be able to see the Sagrada Familia. My profession deprives me of quality time with my family. So when given the chance i make sure every moment counts and everything creates a wonderful memory. Before this year ends i brought her to where she wished to be. I didnt know we had to book online to get access inside the church. So i asked a friend for help. Unfortunately only one could get inside. And like a parent to a child I am now patiently waiting for her to finish her ‘field trip’ inside the Sagrada Familia. I AM THE HAPPIEST SON RIGHT NOW!!!! Fantastica is such a huge hit and continues to win in box office. But for me this is a bigger achievement. My biggest so far. To be able to grant my Nanay’s wishes as she gets older is big deal for me. Vice Ganda is accomplished. Tutoy is successful. This is how i end my 2018.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

COMMENT FROM KRIS

Nag-comment naman sa post ni Vice si Kris Aquino.

"Please tell Bimb to bring me to Ephesus okay?" bilin ni Kris sa comments section ng post ni Vice.

"I'll ask Bimb to bring us two there. hahahha!!!!" sagot naman ni Vice.

Ang tinutukoy ni Kris ay ang ang ancient Greek city of Ephesos o Ephesus na matatagpuan sa bansang Turkey.

Kilala ang lugar na ito bilang isang tourist attraction kung saan matatagpuan ang isa sa "Seven Wonders of the Ancient World," ang Temple of Artemis/Diana.

Malaki rin ang importansiya nito sa mga debotong Katoliko dahil ang Ephesus ay isa sa "Seven Churches of Asia" na nabanggit sa Book of Revelations sa Biblia. Sinasabing dito rin isinulat ang Gospel of John at dito rin ginawa ang "Council of Ephesus," kunsaan pinagtalunan ng mga bishops nung taong AD 431 ang tunay na role ni Virgin Mary sa Catholic teachings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binati rin ni Vice si Kris na may kasama pang "I love you."

"Happy Holidays!!! I love you!!!" bati ni Vice.

 IMAGE Screenshot from @praybeytbenjamin on Instagram

 

Matatandaang nitong nakaraang taon, iniintriga ang pagiging magkaibigan nina Vice at Kris. Sinasabing nawala raw ang closeness ng dalawa mula nang umalis sa Kapamilya network si Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong nakaraang buwan, sa kabila ng mga pagbatikos at pamumuna sa sinseridad ni Vice sa pagiging kaibigan ni Kris, ipinagtanggol ng dating Kapamilya star ang box-office comedian mula sa mga kritiko nito.

Read: Kris Aquino answers netizens who question Vice Ganda's sincerity as a friend


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN