John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, son Elias welcome 2019 in Tokyo Disneyland

IMAGE Photo from PEP Source

John Lloyd Cruz and partner Ellen Adarna spend the New Year with their son Elias Modesto and Ellen's family at Tokyo Disneyland.


Sa Tokyo Disneyland nagdiwang ng New Year sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, kasama ang kanilang anak na si Elias Modesto.

Isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagpadala ng ilang larawan nina John Lloyd at Ellen, kasama ang iba pang miyembro ng pamilya ni Ellen, sa kilalang pasyalan sa Japan.

Kinunan ang litrato nina John Lloyd, Ellen, at Elias Modesto kasama ang non-showbiz family members ng aktres, habang nasa background ang Cinderella’s castle.

Sa larawan, nakatakip ang mukha ng anak nina John Lloyd at Ellen na nakasakay sa stroller.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ellen (first row, second from left) with son Elias Modesto (face covered) and John Lloyd Cruz (third row, second from left), together with Ellen's family, celebrate New Year in Disneyland Tokyo.
IMAGE From PEP Source

Sa isa pang larawan, makikita sina John Lloyd at Ellen na magkatabi at nakasuot ng matching blue jackets, habang karga-karga ng aktor ang six-month-old son na balot na balot laban sa lamig.

Noong January 7, may ipinadala ring larawan sa PEP.ph kung saan makikita sina John Lloyd at Ellen na masaya kasama ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


Stories We Are Tracking



ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close