Andi Eigenmann reacts to comments about getting pregnant again before marriage

IMAGE Instagram

Andi Eigenmann responds to netizens who comment about getting pregnant again before tying the knot.


Nag-react si Andi Eigenmann, 28, matapos punahin ng ilang netizens ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang pagkakataon kahit hindi pa siya kasal.

Nitong Lunes, February 4, ay inanunsiyo ng aktres sa Instagram na ipinagbubuntis niya ang anak nila ng boyfriend na si Philmar Alipayo, isang surfer.

Sa comments section ay may tatlong netizens ang sinagot ng aktres.

Ang unang netizen ay sinabing “sayang” daw si Andi dahil nabuntis ito bago ikasal.

Sagot ni Andi, wala sa posisyon ang netizen para sabihan siya kung ano ang dapat niyang gawin sa kanyang buhay.

Hindi raw niya kailangan ang pagiging negatibo ng iba dahil masaya siya sa kanyang pagbubuntis.

Buong komento ni Andi: “you are in no place to tell me how i should lead my life. More so, tell me that i am ‘sayang’ because i am happily pregnant at 28 yo.

"I dont expect nor intend for everyone to be pleased by how I see life, but your negativity is very unnecessary and you may feel free to click unfollow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot ang netizen at sinabing fan siya ni Andi at sana ay hindi na raw sila maghiwalay ni Philmar.

Muling nagkomento si Andi.

Sabi ng aktres, hindi isyu sa kanya ang pagkakaroon ng ibang opinyon ng ibang tao, pero naapektuhan siya sa komento ng netizen.

Diin ni Andi, “I called you out because its such a shame when women bring other women down. Not because I am angry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pangalawang netizen naman ay nagtanong kung ano ang reaksiyon ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose ngayong buntis muli ang anak nito.

Inalala ng netizen na iyak nang iyak noon si Jaclyn nang mabuntis si Andi kay Ellie, ang anak ni Andi kay Jake Ejercito.

Tiniyak naman ni Andi na masaya ang kanyang ina dahil nasa edad na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pangatlong netizen naman ay nagtanong kung sino ang ama ng dinadala ni Andi at kung kasal na ba ang aktres.

Sagot ni Andi: “you needn’t be confused about not understanding the life of a person you absolutely do not know.”

 


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann is 14 weeks pregnant
Andi Eigenmann is 14 weeks pregnant


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close