Harlene Bautista approves of Kris Aquino for brother Mayor Herbert Bautista?

IMAGE Jerry Olea / Noel Orsal

Harlene Bautista (left) on possible reconciliation between brother Mayor Herbert Bautista and Kris Aquino (right): "Sa akin kasi, napakaimportante ng happiness. Kung happy sila together, why not? Yun na lang, kung sino ang happiness niyo, dun ka."


Boto raw si Harlene Bautista kay Kris Aquino para sa kapatid na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sabi ng actress-film producer, “Oo, masaya si Kuya pagka sila.”

Nakikita ba niyang magkakabalikan ang dalawa?

Sagot ni Harlene, “Kanya-kanya naman ‘yan, kanya-kanya ang bawat tao.

“Sa akin kasi, napakaimportante ng happiness. Kung happy sila together, why not?

“Yun na lang, kung sino ang happiness niyo, dun ka.

"Si God na lang ang nakakaalam nun, e."

Na-touch naman si Harlene sa pagpapa-block screening ni Kris ng Rainbow’s Sunset, ang pelikulang iprinodyus niya na naging entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Saad ni Harlene, "Naiyak din ako, iyak lang naman ako nang iyak.

“Natutuwa ako dahil sobrang supportive niya sa amin, supportive talaga siya sa amin ever since.

“Kahit hindi talaga kami palaging nag-uusap or nagme-message, I know she's always supporting us."

Nakausap ng PEP.ph at Cinema News si Harlene sa 3rd Ambassador's Night Film Development Council of the Philippines na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura noong February 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Mayor Herbert clarifies romantic involvement with Kris
Mayor Herbert clarifies romantic involvement with Kris
Kris reveals Herbert proposed and gave her a diamond ring
Kris reveals Herbert proposed and gave her a diamond ring
Kris posts photo of rendezvous with Mayor Herbert in Italy
Kris posts photo of rendezvous with Mayor Herbert in Italy
Kris reveals why she and Herbert did not end up together
Kris reveals why she and Herbert did not end up together

ROMNICK’S NEW LOVE

Lumabas na nang ilang ulit ang larawan ng diumano’y bagong girlfriend ng nakahiwalayang mister ni Harlene na si Romnick Sarmenta.

Ayon kay Harlene, masaya siya para sa ama ng kanyang mga anak.

"I am happy for him and I am happy with my life now.

"Marami… Rainbow’s Sunset, at katulad nito, sobrang blessed ako. Sobra-sobrang blessed!

“My kids are with me, we're happy, I'm friends with their father.

“Mas maganda yung ganito, walang stress. Masaya lang.”

Hindi rin itinatago ni Harlene na may bago na ring nagpapasaya sa kanya, ngunit ayaw niyang magbigay ng detalye tungkol dito.


Stories We Are Tracking

Romnick Sarmenta, Harlene Bautista announce separation
Romnick Sarmenta, Harlene Bautista announce separation
Harlene opens up about separation from Romnick
Harlene opens up about separation from Romnick


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN