Paolo Contis denies Paulo Avelino is forbidden from seeing son with LJ Reyes

IMAGE Noel Orsal

Paolo Contis on relationship with LJ Reyes's son with Paulo Avelino: "Just the fact that Aki knows I'm just his Tito Pao. He knows Paulo is his dad. Fact naman yun, e, di ba? Pero boundary? I treat him like my own, yes, pero walang kailangang i-deny sa kanya."


Nilinaw ni Paolo Contis na hindi bawal makita ni Paulo Avelino ang anak nito kay LJ Reyes na si Aki.

Si Paolo ang partner ngayon ni LJ, na dati namang girlfriend ni Paulo.

Sa isang panayam kasi ni Paulo sa media, tila may hinanakit ito dahil hindi raw niya nakikita ang anak nila ni LJ.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo, tinanong namin kung ipinagbabawal ba ni LJ na makita ni Paulo ang kanilang anak.

Sagot ng Kapuso actor, "No comment. Siya [LJ] tanungin niyo.

"Not my place to ano [answer]. Pero walang bawal. Definitely wala.”

Wala ring bawal kay Paolo?

Tugon niya, "Wala, definitely! Walang bawal sa side namin."

Wala naman daw balak si Paolo na i-adopt legally si Aki.

Samantala, hindi pa masagot ni Paolo kung kailan sila magpapakasal ni LJ.

Hindi pa annulled ang kasal ng aktor sa estranged wife nitong si Lian Paz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Paolo, “Yes. As long as all legal things will be settled, rest assured, I would love to marry her.”

Hindi naman maidetalye ni Paolo ang tungkol sa annulment case nila ni Lian dahil nasa korte pa raw ito.

Sabi niya, “I cannot talk about my case.

"Of course, alam naman ng lahat na inaayos namin ni Lian yung annulment namin.

"So, after that, hopefully we can [get married]."

Nakausap ng PEP.ph si Paolo sa grand media conference ng Hiram na Anak noong Lunes, February 18, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue corner EDSA, Quezon City.

Ipalalabas ang Hiram na Anak simula sa February 25 bago mag-Eat Bulaga.

MUM ON LIVE-IN ISSUE

Paano ba siya napalapit kay Aki?

Tugon ni Paolo, “Araw-araw ko siyang kasama.

“Madalas ko siyang kasama. Mapapalapit talaga siya sa 'yo.”

Alam ba ng bata na hindi si Paolo ang tunay nitong ama?

Diretsong sagot ni Paolo, “Oo, definitely! Alam niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa ng aktor, "Aki sees Pau, ha, Aki sees Paulo.

“Tito Pao niya ako, alam niya yun.”

May boundary ba yung relasyon nila ni Aki?

Sabi ni Paolo, “Boundary-wise, wala. Boundary-wise, wala.

"Just the fact that Aki knows I’m just his Tito Pao.

“He knows Paulo is his dad. Fact naman yun, e, di ba?

“Pero boundary? I treat him like my own, yes, pero walang kailangang i-deny sa kanya.”

For the record, magka-live in na ba sila ni LJ, na nagsilang kamakailan lang ng kanilang panganay na anak?

Pag-iwas ni Paolo, “Huwag niyo nang tanungin yung ganun. Kaloka!”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN