Claudine Barretto visits sister Gretchen at her Forbes Park mansion

IMAGE Courtesy: IG Stories of @claubarretto

It looks like sisters Gretchen and Claudine Barretto (left photo) are finally on good terms.


Mukhang tuluy-tuloy na ang pagkakaayos ng dating estranged sisters na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Bukambibig na kasi ni Claudine sa kanyang videos sa Instagram Stories ang katagang "Ate Gretchen."

Sina Gretchen at Claudine ay dalawa sa pitong anak nina Miguel at Inday Barretto; panglima si Gretchen at bunso naman si Claudine.

Katulad ng dalawa, pumasok din sa showbiz ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto.

Sa IG Stories ni Claudine kahapon, February 26, sinabi niyang nasa Roxas City, Capiz, siya.

Uuwian daw niya ang kanyang Ate Gretchen ng mga sariwang alimango, scallops, at prawns upang lutuin nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: IG Stories of @claubarretto

Sa post naman ni Claudine sa kanyang Instagram feed kahapon din, nag-“I love you” pa siya kay Gretchen.

Buong mensahe ng aktres sa caption: “Thank u Tita Cherry Yap. ithank u for coming all the way from Roxas when i was at the hospital.

"thank u for everything u do for the kids & i & my ATE @gretchenbarretto I THINK she’s thinking more of the Crabs & Prawns more thank me hehe.see u tom Ate.

"i luv u so much! Luv u too tita Che. thank u guid kag halong.”

CLAUDINE VISITS GRETCHEN

Ngayon namang Miyerkules, February 27, nagbahagi si Claudine sa kanyang IG Stories ng ilang videos na kuha sa kanyang pagbisita sa mansiyon ni Gretchen at long-time partner nitong si Tonyboy Cojuangco sa Forbes Park, Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: IG Stories of @claubarretto

Mukhang nailuto na rin ang kanyang dalang alimango at prawns na kanilang pinagsaluhan sa pananghalian.

 IMAGE Courtesy: IG Stories of @claubarretto

Makikita rin sa isang video na sumandal pa si Claudine sa balikat ng kanyang ate, na naghahanda ng kanilang pananghalian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: IG Stories of @claubarretto

Si Gretchen ay nag-post naman ng video ni Tonyboy habang hawak-hawak ang isang buhay na alimango na ipinatong pa nito sa kanyang ulo.

Makikita rin na pumaling ang camera kay Claudine na nakaupo sa may dining table.

View this post on Instagram

Good morning 💕

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Noong nagkasakit si Claudine nitong nakaraang linggo, si Gretchen din ang nag-asikaso sa mga pagkain nito sa ospital.

THE BARRETTO FAMILY RIFT

Mukhang natibag na nga ang isang malaking balakid na namagitan kina Gretchen at Claudine simula pa noong 2013.

Nasangkot din sa alitan ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie, kung saan inamin ni Gretchen noong 2015 na mayroon silang silent war.

Nasangkot pati sa isyu ang kanilang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto, na matagal nang may hindi pagkakaunawaan kay Gretchen at muli na namang kumampi kay Claudine.

Simula noong 2015 ay hindi na namataan sina Gretchen at Claudine na magkasama sa publiko.

Bandang 2017, tila nagkaroon ng posibleng pagkakaayos sa pagitan ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula nun, ilang beses nagkaroon ng magandang palitan ang magkakapatid sa kani-kanilang Instagram accounts.

Ipinagtanggol din ng magkapatid ang isa't isa mula sa bashers at trolls.

Una ay noong July 2017, nang sagutin ni Gretchen ang isang netizen dahil sa pagkukumpara nito sa kanilang dalawa ni Claudine.

Ang ikalawang beses naman ay noong August 2017, nang ipagtanggol ni Claudine si Gretchen mula sa pag-uugnay ng isang netizen sa kapatid at sa businessman na si Atong Ang.

Noong December 6, 2018, ipinaramdam ni Claudine ang pagmamahal nito para sa anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco.

Pero kamakailang lang ay muling nangamba ang followers ng dalawa nang idawit ni Gretchen si Claudine sa isyu nito kay Kris Aquino.

Si Kris ay second cousin ng partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco.

Sa isang Instagram post noong January 21, inakusahan ni Gretchen si Kris na tumawag daw kay Claudine upang ipaalam sa kanilang mga magulang ang plano nitong magsampa ng kaso laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), itinanggi ito ni Claudine.

Sabi ni Claudine, "Walang ganyang nangyari. Kung sino gumagawa ng ganyang kwento, di nagsasabi ng totoo."

Ngayon, mukhang tumpak ang kasabihang "blood is thicker than water" sa sitwasyon ng magkapatid.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN