Matapos putaktihin ng bashers, na hinihinalang JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre, panibagong bashers na naman ang kinakaharap ngayon ng baguhang artista na si Ericka Villongco.
Sa pagkakataong ito, pinagtatawanan naman ng followers niya sa Instagram ang kanyang platapormang 'free Wi-Fi' sa buong San Juan.
Si Ericka ay kumakandidato sa pagka-konsehal sa naturang siyudad sa ilalim ng ticket ni San Juan Vice Mayor Francis Zamora, na tumatakbong mayor kalaban ng kasalukuyang alkalde na si Guia Gomez.
Kahapon, March 28, sa pagsisimula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato, nag-post si Ericka sa kanyang Instagram ng kanyang numero sa balota at plataporma sakaling palaring manalo bilang konsehala sa second district ng San Juan City.
Hindi naman nakatiis ang mga nakakita sa kanyang post at sinabing tila wala namang magandang plano si Ericka para sa San Juan.
Ano raw ba ang ipinakita niyang magandang impluwensiya sa kabataan gayong puro lamang ito 'party,' 'sosyalan,' at 'pagpaparetoke.'
Narito ang ilang komento sa naturang post ni Ericka:
May ilan din namang nagsasabing maganda ang proyektong ito ni Ericka.