Labis na nagdadalamhati ang aktres na si Carmina Villarroel sa pagpanaw ng kanyang amang si Reggie Villarroel ngayong Martes, June 7, 2022.
Sa Instagram, sinabi ni Carmina na makakasama na sa wakas ng ama ang namayapa na rin niyang ina na si Menchu Villarroel.
Mensahe ni Carmina sa kanyang post: “Daddy Regy you’re reunited with Mommy Menchu. Your one and only. Your first and last. [heart emojis]”
View this post on Instagram
Sa comments section, nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang ilang celebrities kabilang sina Darren Espanto, Sherilyn Reyes, Kyline Alcantara, Gelli de Belen, Marian Rivera, Marjorie Barretto, at marami pang iba.

Samantala, may tribute din sa kanyang “Daddy Groovy” ang apong si Mavy Legaspi.
Nagkaroon daw ng isa pang anghel sa langit dahil sa pagpanaw ng kanyang lolo.
Ani Mavy, “Heaven gained an Angel. [heart emoji]
“i love you, daddy groovy. thank you for loving your apo’s!
“drink all the beer with popsy over there for me. cheers!
“we love you. thank you for fighting.”
View this post on Instagram
CARMINA-ZOREN WEDDING
Sa vlog na inilabas ni Carmina noong Pebrero, naungkat dito ang tungkol sa biglaang pagpapakasal nila ni Zoren Legaspi November 15, 2012 matapos ang ilang taong pagsasama.
Sinabi ng mag-asawa ang dahilan kaya nagpakasal sila at kung ano ang pinakapaboritong eksena ni Zoren sa kanilang pag-iisang dibdib.
Emosyunal na pagbabalik-tanaw ni Zoren: "I guess, your walking sa aisle, nakita ko yung... naiyak ako…
"Alam naman nila na surprise kasi yun, and isang triggering point kasi nun kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si Daddy Reggie, bibigyan ng hip replacement."
Ayon pa kay Zoren, wala si Carmina nang nag-meeting sila ng mga doktor ng ama ng aktres pati ibang kamag-anak.
Sabi raw ng doktor sa kanila, “Pag ginawa yun, 50/50 si Daddy Reggie dahil sa age niya."
Wala raw talagang ibang option kaya naisip ni Zoren na habang hindi pa inooperahan ang ama ni Carmina ay makasal na sila.
Lahad ni Zoren: "Then it hit me, sabi ko, kung magpapakasal kami ni Mina na hindi mawi-witness ni Daddy Reggie, useless, kasi wala na mama mo.
"Tapos pag naglakad ka dun, wala pa Daddy Reggie mo, so for me useless siya. Kaya isa yun sa mga biggest triggering factor kung bakit ko minadali yung kasal na yun.”
Kaya ang paglalakad ni Carmina sa aisle ang isa sa paborito ni Zoren na bahagi ng kanilang kasal.
Sabi pa ng aktor, "Pag pinanood nila yun, marami silang makikitang emotions na ipinakita mo sa paglalakad mo na yun, napakadami.
"Kaya isa yun sa mga pinakapaborito ko. Isa sa paborito ko dahil andun si Daddy Reggie."
READ: Zoren Legaspi gets emotional while recalling surprise wedding to Carmina Villarroel in 2012
