Ku Hye Sun claims Ahn Jae Hyun cheated on her; Ahn Jae Hyun's friend denies Ku Hye Sun's allegation

by Jet Hitosis
Sep 4, 2019
Korean actress Ku Hye Sun (right) insists that her husband Ahn Jae Hyun's (left) alleged extramarital affair with an actress is the reason behind their impending divorce. A friend of the actor quickly denied Hye Sun's claims, top K-pop news website Soompi reported.
PHOTO/S: @aagbanjh, @kookoo900 on Instagram

Mahigit dalawang linggo makaraang pumutok ang balita ng kanilang pagdidiborsiyo, iginiit ng Korean actress na si Ku Hye Sun na may ibang karelasyon ang asawang si Ahn Jae Hyun.

Sa Instagram post na translated ng top Korean entertainment news website na Soompi nitong Miyerkules, sinabi ni Hye Sun, 34, na ang “correct reason for divorce is Ahn Jae Hyun’s extramarital affair.”

Iniulat ng Soompi na nakasaad din sa post ni Hye Sun, “I heard so many rumors about him dating the actress in the drama he is currently filming.”

Continue reading below ↓

Ginagawa ngayon ni Jae Hyun ang MBC drama na People With Flaws, na nakatakdang ipalabas sa South Korea sa Nobyembre.

Ang post ay reaksiyon ni Hye Sun sa report ng Korean celebrity news website na Dispatch nitong Martes nang magsagawa ng forensic analysis sa palitan ng text messages ng Korean power couple, at kumpirmahing tunay at hindi edited ang mga ito.

HYE SUN SAYS SHE’S GOT EVIDENCE OF HUSBAND’S AFFAIR

Subalit bandang 1:00 ng hapon KST (Korean Standard Time) ngayong Miyerkules, binago ni Hye Sun ang kanyang post.

Dagdag na detalye ni Hye Sun, na nakapaloob sa parentheses: “I have a photo that I found in my husband’s computer after our marriage.

“[In the photo], he is eating a late-night snack with an actress at a hotel while wearing a gown.

“I will submit it to the court as evidence.”

Continue reading below ↓

AFFAIR CLAIMS QUICKLY DEBUNKED

Gayunman, kaagad itong pinabulaanan ng kaibigan ni Jae Hyun, 32, na na-interview ng Soompi.

Sinabi ng source sa Soompi, “Ahn Jae Hyun has never gone to a hotel with a different woman after his marriage or had an affair, so such photo also does not exist.”

Ayon sa hindi pinangalanang source, na malapit umanong kaibigan ng Korean actor, luma na ang litratong tinutukoy ni Hye Sun.

Sinabi pa ng kaibigan ni Jae Hyun na ex-girlfriend ang kasama ng aktor sa litrato, na nabanggit pa nga si Hye Sun sa isang TV interview noong 2017.

Dagdag ng source, “It seems that the photo mentioned by Ku Hye Sun that she says was found in his computer is a photo of Ahn Jae Hyun’s ex-girlfriend that she mentioned herself on tvN’s ‘Newlywed Diary.’

“It is a story that she even revealed herself on a variety show, but she is claiming that it is something that happened after their marriage.”

Continue reading below ↓

Ayon sa report ng Soompi, sa episode ng nabanggit na show noong March 2017, ikinuwento ni Hye Sun, “I once saw a photo of my husband’s ex-girlfriend.”

Kuwento pa noon ni Hye Sun, “Afterwards, I said I wanted to be alone, so my husband waited for four hours outside on the playground.”

CONFLICTING STATEMENTS, IMPENDING DIVORCE

August 18, 2019 nang pumutok ang balita ng napipintong diborsiyo ng Korean power couple.

Ito ay makaraang ibunyag ng Korean actress, sa serye ng Instagram posts, na plano siyang hiwalayan ni Jae Hyun dahil “my husband has had a change of heart and wants a divorce, and I want to stay married.”

Kaagad namang naglabas ng pahayag ang HB Entertainment, ang talent agency ng mag-asawa, at bagamat kinumpirma ang hiwalayan, iginiit nitong si Hye Sun ang bumuo ng divorce agreement.

Makalipas ang ilang oras, mariing kinontra ni Hye Sun ang pahayag ng agency at iginiit sa isang Instagram post na “we had not signed or agreed on a final decision yet.”

Continue reading below ↓

Ibinunyag din ni Hye Sun na pinagbantaan siya ng HB Entertainment na papawalang-bisa ang kontrata niya sa kumpanya.

May 2016 nang ikinasal sina Hye Sun at Jae Hyun, na nagkamabutihan habang ginagawa ang drama series na Blood noong 2015.

Magdidiborsiyo sina Hye Sun at Jae Hyun mahigit dalawang buwan ang nakalipas makaraang maisapinal ang kontrobersiyal ding hiwalayan ng isa pang Korean power couple, sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Read Next
Read More Stories About
Ku Hye Sun, Ahn Jae Hyun
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean actress Ku Hye Sun (right) insists that her husband Ahn Jae Hyun's (left) alleged extramarital affair with an actress is the reason behind their impending divorce. A friend of the actor quickly denied Hye Sun's claims, top K-pop news website Soompi reported.
PHOTO/S: @aagbanjh, @kookoo900 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results