Barretto family feud makes it to South China Morning Post headlines 

by Rachelle Siazon
Oct 27, 2019
The Hong-based international news publication South China Morning Post cites an unnamed source that likened the Barretto feud to "a riot at the end of a cockfight."
PHOTO/S: @gretchenbarretto / @claubarretto / @marjbarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Hindi lang naging "national issue" ang kontrobersiyal na family feud ng mga Barretto.

Umabot na rin ito sa digital edition ng Hong Kong-based news publication na South China Morning Post noong October 7.

Sa section nitong This Week In Asia, makikita ang headline na ito: "How Gretchen and Marjorie Barretto feud shocked Rodrigo Duterte and transfixed Filipinos."

Continue reading below ↓

Inilahad ng awtor na si Alan Robles ang banggaang naganap sangkot ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto sa burol ng kanilang pumanaw na ama na si Miguel Barretto.

Nakasaad dito kung paano nabigo si President Duterte na pag-ayusin ang magkapatid na Gretchen at Marjorie.

Umabot sa puntong ang presidential security guards na ang tumulong sa pag-awat sa sumunod na komosyon sangkot ang iba pang kaanak ng magkakapatid na Barretto.

Isang source, na malapit daw sa pamilya Barretto, ang naglarawan na tila riot sa sabungan sa tindi ng sigawang naganap sa burol at sa mismong harap pa ng Pangulo.

Sa bersiyon ni Gretchen, pagdating pa lang niya sa burol ng ama ay nanggagalaiti na sa galit si Marjorie dahil sa presensiya ng socialite-actress.

Hindi raw siya nanggulo.

Ani Gretchen, naging emosyunal lamang siya nang madamdamin silang nagkausap at nagkaayos ng inang si Inday Barretto matapos ang anim na taon nilang hidwaan.

Continue reading below ↓

Sa bersiyon ni Marjorie, maayos siyang tumanggi sa Pangulo na hindi makipag-ayos kay Gretchen dahil kita raw ni Marjorie sa mga mata ni Gretchen na hindi ito sinsero.

Inamin din daw ni Marjorie sa Pangulo na malaki ang sugat na dala ng mga atrasong ginawa umano ni Gretchen sa kanilang pamilya.

WORD WAR ON SOCIAL MEDIA

Sinuma rin sa artikulo ng South China Morning Post ang local media reports tungkol sa sanga-sangang isyung naungkat dahil sa alitan nina Gretchen at Marjorie.

Partikular na rito ang isyu sangkot si Gretchen at pamangking si Nicole, na nagpakawala ng akusasyong pang-aagaw umano ng socialite-actress sa ex-boyfriend ng huli na si Atong Ang.

Pinanindigan ni Marjorie na saksi siya sa limang taong relasyon ni Nicole kay Atong at ang sakit na dinanas umano ng pamangkin nang agawin umano ni Gretchen si Atong.

Pero mariing pinabulaanan ni Atong ang isyung agawan.

Giit ni Atong, wala raw silang relasyon ni Gretchen.

Continue reading below ↓

Sa kaso ni Nicole, sinabi ni Atong na "as is" na lang kung anuman daw ang sinabi ni Nicole na ugnayan nila noon.

PUBLIC INTEREST OVER BARRETTO FAMILY FEUD

Hindi rin nakaligtas sa international news publication kung paano pinag-usapan nang husto ang Barretto family feud, na dalawang beses sumakop ng mahabang airtime sa ABS-CBN prime-time newscast na TV Patrol.

Saad sa artikulo ng international news publication: "Filipinos have been transfixed by the outbursts and confessions by actresses Gretchen, Marjorie and Claudine over men and money."

Kaya't pati raw ang Philippine government agency na Department of Transportation ay naglabas ng "road safety tips" sa drivers na hindi mapigilang makibalita sa word war nina Gretchen at Marjorie.

Sa dulo ng artikulo, isang Mindanao-based journalist na nagngangalang Jun Ledesma ang umapela na sana ay bigyan din ng pansin ang mas mahahalagang isyung kinakaharap ng bansa.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Hong-based international news publication South China Morning Post cites an unnamed source that likened the Barretto feud to "a riot at the end of a cockfight."
PHOTO/S: @gretchenbarretto / @claubarretto / @marjbarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results