Lee Min Ho becomes first solo Korean celebrity to reach 20M followers on Facebook, Instagram

by Jet Hitosis
Oct 6, 2020
Lee Min Ho
Korean superstar Lee Min Ho starred in the Netflix series The King: Eternal Monarch following his completion of mandatory military enlistment in April 2019.
PHOTO/S: @actorleeminho on Instagram

Walang dudang si Lee Min Ho ang pinakasikat sa lahat ng Korean superstars sa larangan ng social media.

Umabot na kasi sa 20 million ang followers ng 33-year-old The King: Eternal Monarch star sa Instagram at Facebook.

Siya ang kauna-unahang Korean celebrity na nakagawa nito, ayon sa top Korean entertainment website na Soompi.

Hindi kabilang dito ang K-Pop groups, kagaya ng BTS, na may dalawa o higit pang miyembro.

Nitong September 18 ay inianunsiyo ng MYM Entertainment na lumampas na sa 20 million ang followers ni Lee Min Ho sa Facebook.

Ang MYM Entertainment ang talent management agency ng Korean actor.

Sa isang Instagram post, nagpaabot ng pagbati ang agency kay Lee Min Ho.

Continue reading below ↓

Makalipas ang mahigit dalawang linggo, nitong October 4 ay muling nag-post ng anunsiyo at pagbati ang MYM Entertainment para sa Korean actor.

Pumalo na rin kasi sa 20 million ang followers ni Lee Min Ho sa Instagram.

As of October 4, nasa 28.63 million na ang followers ng aktor sa Chinese microblogging site na Weibo, ayon sa Soompi.

Continue reading below ↓

Nasa 3 million naman ang followers niya sa Twitter.

Sa kabuuan, aabot sa mahigit 72 million ang followers ni Lee Min Ho sa iba't ibang social media platforms.

THE COMEBACK

Nagbida si Lee Min Ho sa maraming Korean drama, kabilang ang Boys Over Flowers (2009), City Hunter (2011), The Heirs (2013), at Legend of the Blue Sea (2016).

Napanood din siya sa mga pelikulang Bounty Hunters (2015) at Gangnam Blues (2016).

Simula March 2018, sandaling namahinga sa paggawa ng serye at pelikula ang aktor dahil sa kanyang mandatory military enlistment, na tumagal hanggang April 2019.

Sa kanyang pagbabalik, nagbida si Lee Min Ho sa romantic-fantasy Netflix series na The King: Eternal Monarch.

Ngayong taon, pumangatlo siya sa 100 Most Attractive Asian Celebs of 2020 ng pinakamalaking international K-pop voting website na King Choice.

Ang annual list na ito ng King Choice ay pinangunahan ng Chinese actor na si Xiao Zhan.

Continue reading below ↓

Iisa lang ang Pilipino sa listahan, ang actor-record producer na si James Reid, na nasa 41st spot.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean superstar Lee Min Ho starred in the Netflix series The King: Eternal Monarch following his completion of mandatory military enlistment in April 2019.
PHOTO/S: @actorleeminho on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results