Queen Elizabeth II dies at 96

by Erwin Santiago
Sep 9, 2022
queen elizabeth II profile
Queen Elizabeth II passed away peacefully at her estate in Scotland, Thursday afternoon, September 8, 2022. She was 96.
PHOTO/S: Getty Images

Pumanaw na si Queen Elizabeth II, ang pinakamatagal na naupong monarch sa United Kingdom, sa edad na 96.

Maluwalhating pumanaw si Queen Elizabeth II sa kanyange estate sa Balmoral Castle sa Aberdeenshire, Scotland, Huwebes ng hapon, September 8, 2022.

Naupo sa trono si Queen Elizabeth II noong 1952 at tumagal ng 70 taon ang kanyang reign.

Sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II, awtomatikong naluklok sa trono ang kanyang anak na si Prince Charles, na ngayon ay tatawagin nang King Charles III.

Sa official statement na inilabas ni King Charles III, sinabi nitong ang pagpanaw ng kanyang ina ay "a moment of great sadness for me and all members of my family."

Dagdag pa ng bagong hari, "We mourn profoundly the passing of a cherished Sovereign and a much-loved Mother."

Alam daw niyang ang pagkamatay ni Queen Elizabeth II ay labis na mararamdaman "throughout the country, the Realms and the Commonwealth, and by countless people around the world."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

king charles III statement

Nagtungo sa Balmoral ang lahat ng mga anak ni Queen Elizabeth II pagkatapos ilagay ng mga doktor ang reyna "under medical supervision."

Dumating din doon si Prince William, na ngayon ay next in line na bilang maging hari, at ang kapatid nitong si Prince Harry.

Babalik naman si King Charles III at ang kanyang asawa na si Camilla, na ngayon ay tatawagin nang Queen Consort, sa London nitong Biyernes, Seprember 9, upang magbigay ng address sa buong United Kingdom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Queen Elizabeth II passed away peacefully at her estate in Scotland, Thursday afternoon, September 8, 2022. She was 96.
PHOTO/S: Getty Images
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results