Prince William, Kate, Harry, Meghan together on Windsor Castle walkabout

by Arniel C. Serato
Sep 11, 2022
Prince William and Prince Harry unite
Prince William (second from left) and wife Kate Middleton (left), together with Prince Harry (second from right) and wife Meghan Markle (right), greet the people who trooped to the Windsor Castle following the death of Queen Elizabeth II.
PHOTO/S: Courtesy: CBS News on YouTube

Muling nagkasama ang magkapatid na sina Prince William at Prince Harry sa harap ng Windsor Castle nitong gabi ng Sabado (Linggo sa Pilipinas), September 10, 2022, upang batiin ang mga mga taong nakiramay sa kanilang pamilya.

Kasama ng Prince of Wales ang asawa niyang si Princess of Wales Kate Middleton, habang kasama naman ni Harry si Meghan Markle.

Bukod sa pakihalubilo sa mga tao sa labas ng palasyo, nagbigay-oras din ang apat upang basahin ang ilan sa mga mensahe ng pakikiparamay na may kalakip na mga bulaklak.

Ang Windsor Castle ang official residence ni Queen Elizabeth II, at naging tahanan ng mga hari at reyna sa loob ng mahigit 1,000 years.

View this post on Instagram

A post shared by Just Jared (@justjared)

Noong nakaraang Huwebes, September 8, pumanaw ang reyna sa kanyang estate sa Balmoral Castle sa Aberdeenshire, Scotland.

Read: Queen Elizabeth II dies at 96

Umalingawngaw naman ang usapan na senyales itong nagkaayos na ang magkapatid na nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang mas umingay ang hidwaan ng dalawang magkapatid matapos i-give up nina Harry at Meghan ang official work nila bilang bahagi ng royal family. Bagamat tinatawag pa rin sila Duke and Duchess of Sussex, hindi na sila ina-address as “royal highness.”

Umabot sa halos 40 minuto ang walkabout ng apat sa labas ng paboritong tahanan ng yumaong Reyna.

Sumakay sila sa iisang sasakyan.

Sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II, awtomatikong naluklok sa trono ang kanyang anak na si Prince Charles, na ngayon ay tatawaging King Charles III.

Sa official statement na inilabas ni King Charles III, sinabi nitong ang pagpanaw ng kanyang ina ay isang malaking kalungkutan para sa kanya at sa kanilang pamilya.

Aniya, "We mourn profoundly the passing of a cherished Sovereign and a much-loved Mother."

Alam daw niyang ang pagkamatay ni Queen Elizabeth II ay labis na mararamdaman "throughout the country, the Realms and the Commonwealth, and by countless people around the world."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanya namang official address bilang hari noong Sabado, September 10, pormal na niyang isinalin ang titulong Prince of Wales kay William, ang panganay niyang anak.

Ayon kay King Charles III, "Today, I am proud to create him Prince of Wales, Tywysog Cymru, the country whose title I have been so greatly privileged to bear during so much of my life and duty.

“With Catherine [Kate] beside him, our new Prince and Princess of Wales will, I know, continue to inspire and lead our national conversations, helping to bring the marginal to the center ground where vital help can be given."

Read: King Charles announces William and Kate the new Prince and Princess of Wales

Nagpahayag din siya ng pagmamahal kina Prince Harry at Meghan kahit naninirahan ang dalawa sa ibang bansa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prince William (second from left) and wife Kate Middleton (left), together with Prince Harry (second from right) and wife Meghan Markle (right), greet the people who trooped to the Windsor Castle following the death of Queen Elizabeth II.
PHOTO/S: Courtesy: CBS News on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results