Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa K-drama fans kung sino nga ba ang bagong karelasyon ng Korean superstar na si Song Joong Ki.
Ito'y matapos kumpirmahin ng agency ng aktor na HighZium Studio nitong December 26, 2022 na "in a relationship" na ang Reborn Rich actor.
Read: Korean superstar Song Joong Ki introduces British girlfriend to colleagues
Wala mang pangalang nabanggit kung sino ang kanyang bagong girlfriend, hinala ng fans na ito ay ang British former actress na si Katy Louise Saunders.
Si Katy ay kilala sa kanyang mga pelikulang The Lizzie McGurie Movie (2003), Los Borgia (2006), at Third Person (2013).
SONG JOONG KI AND KATY SPOTTED TOGETHER
Nagsilabasan sa social media ang mga larawan nina Song Joong Ki at Katy na naispatang magkasama.
Ayon sa ulat na inilabas ng South Korean media outlet na Allkpop, December 7, 2022, kasama ni Song Joong Ki ang kanyang rumored girlfriend sa Singapore para sa press launch ng kanyang K-drama series na Reborn Rich.
Dito rin ay personal daw na ipinakilala ng aktor sa kanyang staff at co-stars ang bagong kasintahan.
December 9, 2022, sa ulat ng Newsen, nakasaad na kasama ni Song Joong Ki si Katy nang bumalik siya sa Korea mula sa kanyang overseas promotion ng Reborn Rich.
Bukod pa rito, noong September 29, 2022, sa Daesang acceptance speech ni Song Joong Ki, kapansin-pansin na kasama sa kanyang pinasalamatan ang mga pangalang "Katy, Narla, Maya, at Antes."
Sina Maya at Antes ay alagang aso ni Katy na makikita sa kanyang lumang Facebook post noong April 9, 2014.
Si Narla naman ang alagang aso ng Korean actor.
Naispatan din silang magkasamang dumalo sa kasal ng kaibigan ni Song Joong Ki noong December 17, 2022.
AGENCY STATEMENT
Sa kabila ng kumakalat na litrato at impormasyon sa totoong pagkakakilanlan ng bagong karelasyon ni Song Joong Ki, mariing sinabi kanyang agency na hindi muna sila magbabanggit ng iba pang impormasyon.
Saad nila sa kanilang official statement, “We ask for your understanding in regards to the fact that we cannot confirm any information aside from the fact that they are dating, and we would be grateful if you refrained from publishing any speculative or unconfirmed reports.”
Si Song Joong Ki ay dating karelasyon ng Korean star na Song Hye Kyo.
Noong October 31, 2017 nang ikasal sila matapos nilang magtambal sa hit Korean drama series na Descendants of the Sun noong 2016.
Read: Korean superstars Song Joong Ki and Song Hye Kyo are getting married!
Hanggang noong July 22, 2019, nang mapagdesisyunan nilang mag-divorce makalipas ang isang taon at walong buwan nilang pagiging mag-asawa.
Read: Song Joong Ki, Song Hye Kyo officially divorced without alimony or division of property