PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who is the 14th Dalai Lama?

Pinarangalan siya ng prestihiyosong Nobel Peace Prize noong 1989.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Apr 12, 2023
Dalai Lama seated
Si Tenzin Gyatso ay ipinanganak bilang Lhamo Thondup noong July 6, 1935 sa isang mahirap na pamilya sa Taktser, Tibet. Natagpuan siya ng Tibetan monks noong siya ay dalawang taong gulang, at matapos dumaan sa ilang pagsusulit para matiyak na siya nga ang reincarnation ng 13th Dalai Lama, binago ang kanyang pangalan.
PHOTO/S: Facebook (Dalai Lama)

Umani ng malawakang batikos kamakailan ang Dalai Lama, ang pinakamataas na spiritual at temporal leader ng Tibet.

Kaugnay ito ng video kung saan makikita ang Nobel Peace Prize winner na nagpahalik sa labi sa isang batang lalaki, at naringgang ngasabi ng, “And suck my tongue,” at saka nito inilabas ang kanyang dila.

Related article: Dalai Lama nag-apologize matapos halikan, sabihan ang isang batang lalake ng "suck my tongue"

Nag-viral ang video recently kahit na dalawang buwan na ang nakakaraan mula nang mangyari ang insidente sa isang programa ng M3M Foundation, isang charity organization sa India.

Naglabas ng official statement ang kampo ni Dalai Lama. Humingi ito ng sorry at nagpaliwanag na na-misinterpret ang inasal ng spiritual leader.

Hayag pa ng kampo, ang expression of emotions and manners ay masyadong tinitingnan sa Western lens.

Hati ang opinyon ng publiko tungkol sa pagtuligsa sa Dalai Lama, ang tumatayong pinuno ng Tibet simula pa noong 1950s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan naman na-curious tungkol sa kanya a sa buhay niya.

A “SIMPLE BUDDHIST MONK”

Sa paniniwalang Budismo, ang Buddha ay paulit-ulit na nagbabalik sa iba’t ibang katauhan hangga’t hindi pa ganap ang pagliligtas.

Ito ay sa pamamagitan ng Avalokiteshvara o Chenrezig, ang Bodhisattva of Compassion at ang patron saint ng Tibet.

Ayon sa dalailama.com, “Bodhisattvas are realized beings inspired by a wish to attain Buddhahood for the benefit of all sentient beings, who have vowed to be reborn in the world to help humanity.”

Si Tenzin Gyatso ay ipinanganak bilang Lhamo Thondup noong July 6, 1935 sa isang mahirap na pamilya sa Taktser, Tibet.

Natagpuan siya ng Tibetan monks noong siya ay dalawang taong gulang.

Matapos dumaan sa ilang pagsusulit para matiyak na siya nga ang reincarnation ng 13th Dalai Lama, binago ang kanyang pangalan.

Naging ganap siyang monk noong siya ay anim na taong gulang.

Ang ika-14 na Dalai Lama ay itinuturing na pinaka-popular sa lahat, hindi dahil sa kinasangkutan nitong kontrobersiya kundi dahil tinagurian siyang “Man of Peace.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalai Lama meditation pose

Noong September 21, 1987, ipinakilala ng Dalai Lama sa mundo ang kanyang “Five-Point Peace Plan for Tibet” bilang bahagi ng kanyang talumpati sa harap ng United States Congress sa Washington, DC.

Makalipas ang dalawang taon, noong 1989, pinarangalan siya ng Nobel Peace Prize.

Base sa pahayag ng nobelprize.org, kinikilala ang pagiging advocate for peace and freedom ng political at spiritual leader, “for advocating peaceful solutions based upon tolerance and mutual respect in order to preserve the historical and cultural heritage of his people.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang karangalan ay iginawad sa kanya bilang “head of the nonviolent opposition to China's occupation of Tibet.”

Ang historic region ng Tibet ay kinikilala ngayon bilang autonomous region ng China.

Ito ay tanyag sa pagkakaroon ng unique cultural at religious traditions.

Nang masakop ng China ang bansa taong 1950, itinuring ito ng mga lokal na “invasion of a sovereign country,” ayon sa Britannica.com.

Taong 1950 din nang maatasan ang Dalai Lama “to assume full political power.”

Sinubukan niyang igiit ang pagiging independent ng Tibet at ilang ulit na nakipagkita kay People’s Republic of China founder Mao Zedong at iba pang Chinese leaders.

Taong 1959 nang mapilitan ang Dalai Lama na humingi ng tulong kay Indian Prime Minister Jawaharlal Nehru sa gitna ng “brutal suppression of the Lhasa uprising.”

Siya ay naging Indian refuge simula noon at nabigyan ng lupain sa Dharamsala, Northern India, kung saan siya kasalukuyang naninirahan.

Kinikilala bilang isa sa mga pinaka-influential at sikat na lider ang Dalai Lama sa buong mundo, ngunit sa kanyang sariling paglalarawan, siya lamang ay “simple Buddhist monk.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalai Lama wave

THE CENTER OF CONTROVERSY

Hindi lamang ang viral video na lumabas kontrobersiyang kinasangkutan ng Dalai Lama.

Noong 2018, nalagay din siya sa alanganin dahil sa binitawan nitong pahayag tungkol kay Prime Minister Jawaharlal Nehru.

Aniya, kung hindi dahil sa self-centered attitude ng Prime Minister ay nagkaisa na siguro ang India at Pakistan, na nagsimula ang conflict noong 1947 dahil sa territorial disputes sa Kashmir region.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Jawaharlal Nehru’s self-centered attitude was the reason why Muhammad Ali Jinnah could not be appointed the prime minister of India.”

Nariyan din ang kanyang comment ukol sa pagdagsa ng African refugees sa Europa.

“The whole Europe [will] eventually become Muslim country? Impossible. Or African country? Also impossible.” Mas mainam umano, “to keep Europe for Europeans.”

Minsan na ring nabatikos ang Dalai Lama dahil sa kanyang pahayag ukol sa susunod sa kanyang yapak.

Sa isang BBC interview noong June 30, 2019, nabanggit niyang kung babae umano ang kanyang predecessor, “[She] should be more attractive.”

Itinuring itong sexist comment na ayon sa independent.co.uk ay “objectifying women.”

Sinagot naman ito ng kampo ng Dalai Lama sa isang statement na inilabas sa kanyang website noong July 2, 2019.

“In responding to a question about whether his own reincarnation could be a woman, and suggesting that if she were she should be attractive, His Holiness genuinely meant no offense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He is deeply sorry that people have been hurt by what he said and offers his sincere apologies.

“His Holiness consistently emphasizes the need for people to connect with each other on a deeper human level, rather than getting caught up in preconceptions based on superficial appearances.

“This is something everyone who has the chance to meet with him recognizes and appreciates.”

THE VIRAL VIDEO

At muli ngang naglabas ng official statement ang kampo ng Dalai Lama dahil sa video niya kasama ang batang lalaki.

Inilathala ang kanyang pahayag sa official social media accounts ng Dalai Lama at maging sa kanyang website nito lamang Lunes, Abril 10, 2023.

Sabi ng statement: “A video clip has been circulating that shows a recent meeting when a young boy asked His Holiness the Dalai Lama if he could give him a hug.

“His Holiness wishes to apologize to the boy and his family, as well as his many friends across the world, for the hurt his words may have caused.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“His Holiness often teases people he meets in an innocent and playful way, even in public and before cameras. He regrets the incident.”

Sa kabilang banda, nagpahayag ng pagkadismaya ang kanyang mga tagasuporta. Na-misinterpret lamang umano ang inasal ng Dalai Lama “under a Western lens.”

Paliwanag ni Tibetan activist Namdol Lhagyari, “Expression of emotions and manners today has been melted together and become vividly westernized. Bringing in narrative of other cultures, customs and social influence on gender and sexuality to interpret Tibetan way of expression is heinous.”

Ayon sa Institute of East Asian Studies at the University of California, Berkeley, bahagi ng Tibetan culture ang paglalabas ng dila bilang “sign of respect or agreement.” Ito umano ay karaniwang ginagamit na pagbati “in traditional Tibetan culture.”

MISINTERPRETED ACTION

Naniniwala ang mga Tibetans na ang viral video ng kanilang spiritual leader ay “being misinterpreted,” ulat ng Vice World News, isang American-Canadian digital media and broadcasing company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banat kasi ng mga kritiko ang “suck my tongue” video ng lider ay “sick,” at maituturing na isang form of “child abuse” and “pedophilia.”

Pero katuwiran ng kanyang supporters, nagkaroon na rin ng mga insidente na “lost in translation” ang “off-the-cuff” jokes ng kanilang lider.

Paliwanag ng Tibetans, ang paglabas ng dila ay “traditional greeting” nila na nagpapahayag ng kanilang paniniwala sa reincarnation. May kaugnayan ito sa 9th century King na si King Langdarma, ang itinuturing na last emperor ng Tibet na kilala dahil sa kanyang itim na dila.

Kaya inilalabas naman ng Tibetans ang kanilang dila para patunayang hindi sila reincarnation ng masamang emperor at mapagkakatiwalaan sila.

Ayon sa isang Tibetan na naninirahan sa India, na-“misinterpret” ng international community ang ginawa ng Dalai Lama.

Binanggit sa report ang pahayag ni Tsering Kyi, isang US-based Tibetan journalist, na inihalintulad ang pangyayari nang bisitahin ng late South African spiritual leader at Nobel Peace Prize winner na si Desmond Tutu si Dalai Lama noong 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagyakapan at naghalikan na parang bata ang dalawang magkaibigan.

Dalai Lama and the late Desmond tutu

Katuwiran naman ni Jamyan Phuntsok, isang Tibetan podcaster sa India, posibleng isaalang-alang pareho ang pagkadismaya ng international community at “innocence” ng Dalai Lama.

Ani Phuntsok sa Vice report, nakaramdam siya ng pagiging “awkward” sa video pero “the context is missing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang kasi sa mga bumatikos ay mga pro-China sympathizers “who have hijacked the incident to justify China’s occupation of Tibet,” sabi sa Vice report.

Bagamat nag-sorry ang kampo ng Dalai Lama ukol sa insidente, wala na itong dagdag pang paliwanag kung bakit ito ginawa ng Dalai Lama.

With additional text from Bernie Franco

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Tenzin Gyatso ay ipinanganak bilang Lhamo Thondup noong July 6, 1935 sa isang mahirap na pamilya sa Taktser, Tibet. Natagpuan siya ng Tibetan monks noong siya ay dalawang taong gulang, at matapos dumaan sa ilang pagsusulit para matiyak na siya nga ang reincarnation ng 13th Dalai Lama, binago ang kanyang pangalan.
PHOTO/S: Facebook (Dalai Lama)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results