Pananagutin ng mga awtoridad ang mga responsable sa pagkasawi ng female acrobat sa isang performance noong April 15, 2023.
Related article: Female acrobat, nasawi matapos malaglag during aerial performance
Ang female acrobat na si Sun, kasama ang fellow acrobat at mister na si Zhang, ay nagtanghal sa outdoor stage sa Suzhou na nasa Anhui province sa China noong April 15, Sabado.
Nang iangat ang mag-asawa sa ere sa taas na 30 feet, nalaglag ang babae. Isinugod siya sa ospital subalit binawian ng buhay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, may mga kapabayaang nangyari.
Dalawang araw matapos ang aksidente, inilabas na ng mga awtoridad ang resulta ng kanilang full investigation, ayon sa ulat ng China Daily site noong April 20, 2023.
THE INVESTIGATION ON THE ACROBAT'S ACCIDENT
Nadiskubre na ginawa ang pagtatanghal “without the necessary safety measures in place” at hindi tama ang pag-operate ng organizers sa crane na nagtaas ng acrobats.
Ang imbestigasyon ay pinagtulungan ng mga pulis sa nasabing lugar at ng tourism authorities.
Nang mangyari ang aksidente, maraming netizens ang nagkomento kung bakit walang safety net o safety belt na suot ang acrobat performers.
Binanggit sa report na ipapatawag at pananagutin ang mga responsableng tao sa likod ng pangyayari.
Nadiskubre na ang kumpanyang nag-hire sa mag-asawang acrobat, ang Anhui Yaxi Performing and Media Company, “illegally conducted the performance without reporting it beforehand to the local authorities.”
Ang operator ng venue na kinilalang si Yin, ay nakipagkontrata sa Anhui Yaxi Performing and Media Company noong katapusan ng Marso 2023 at nag-schedule ng pagtatanghal ng Sabado at Linggo sa lugar.
Sinuspinde agad ang operator at ang performance company kasunod ng trahedya.
Pananagutin ng local government ang performance company batay sa Regulations on the Administration of Commercial Performances ng kanilang bansa, ayon sa isang statement.
Mananagot din ang related departments at mga opisyal dahil sa kakulangan ng supervision sa pagtatanghal.
Samantala, nagbigay ng pahayag si Hu Jun, isang batikang acrobat sa Anhui.
Aniya, sa ganoong uri ng performance, dapat ay 15 feet o 4-5 metro lamang itinataas ang acrobats.
"Though the performance is deemed dangerous by the audience, such fatal accidents are rare because performers are usually very experienced with years of strict training and a professional team behind them," ani Hu sa China Daily.
Samantala, una nang iniulat na nagkaroon na ng agreement sa pagitan ng compensation company at mga naiwan ng biktima—ang mister nito at dalawa pa nilang anak.
