PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Suicide rate in South Korea raises mental health concerns

Suicide rate among Koreans under the age of 40 increased by 10 percent i n 2019.
by Mark Angelo Ching
Published Apr 29, 2023
south korea flag
Ayon sa ForeignPolicy.com, tumaas ng 10 percent ang rate ng pagpapatiwakal ng Koreans na under 40 years old noong 2019 kung ikukumpara sa 2018. Ang dahilan umano nito ay ang pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng wealth inequality.

[TRIGGER WARNING: Suicide, depression]

Nailibing na ang K-pop star na si Moonbin noong April 22, 2023, Sabado.

Hindi inihayag sa publiko ang kanyang huling himlayan para na rin sa privacy ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ngunit marami pa ring nagpaabot ng pakikiramay.

Nagimbal ang marami nang lumabas ang balita tungkol sa pagkamatay ni Moonbin noong April 19, Miyerkules.

Ayon sa reports, natagpuan ng kanyang manager si Moonbin na wala nang buhay sa loob ng apartment ng K-pop idol sa Gangnam sa Seoul, South Korea. At ayon naman sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, pagpapatiwakal ang dahilan ng kanyang pagkasawi.

Read: ASTRO'S Moonbin dies at 25

Nakakagulat ang balitang ito para sa marami dahil halos walang indikasyong magagawa ito ng 25-year-old Korean celebrity.

Popular ang ASTRO, ang all-male K-pop group na kanyang kinabibilangan, at marami silang tagahanga. Sikat din si Moonbin bilang artista, TV host at product endorser.

Nag-debut ang ASTRO noong 2016. Si Moonbin ay itinuturing na center, main dancer, at lead vocalist ng grupo. Hindi lang siya guwapo kundi talentado rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Moonbin sa ASTRO sina Sanha, Jinjin, MJ, at si Cha Eunwoo, na kilala rin bilang lead actor sa maraming sikat na Korean dramas. Dati naman nilang kamiyembro si Rocky, na umalis sa grupo nitong Pebrero 2023 lamang.

Ilan sa mga sikat nilang kanta ay ang "All Night," "Blue Flame," "One," "After Midnight," at "Candy Sugar Pop."

Itinuturing ng mga tagahanga ni Moonbin na isang positibong tao ang kanilang idolo.

Nakakahawa ang aura nito, at palagi itong nakangiti kapag nagpe-perform o lumalabas sa TV. Marami sa TikTok videos ni Moonbin ng kanyang pagsasayaw ay nagba-viral, kaya’t kahit hindi kilala ang kanyang pangalan ay kilala naman ang kanyang kaaya-ayang mukha.

Natulungan din ni Moonbin na makilala sa mundo ng K-pop ang kapatid niyang si Moon Sua, na miyembro naman ng girl group na Billie.

Bago pumanaw si Moonbin ay nasa kalagitnaan ito ng kanyang Asian tour kasama si Sanha, na kasama niya sa isang subunit. Nagsimula ang tour na ito sa Pilipinas na ginanap sa New Frontier Theater, Quezon City, noong March 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangalawa nilang pinuntahan ay ang Bangkok, Thailand, noong April 8.

Marami pa sanang pupuntahan ang subunit tulad ng Macau, Indonesia, Japan, at kahit sa Chile sa South America. Ngunit cancelled na ang lahat ng ito dahil sa pagpanaw ni Moonbin.

Read: K-pop stars, '98 liners squad mourn the passing of ASTRO's Moonbin

MENTAL HEALTH

Hindi lingid sa kaalaman ng mga masugid na tagahanga ni Moonbin na may isyu ito sa kanyang mental health.

Sa isang panayam sa Korean media outlet na Newsen noong 2019, inamin ni Moonbin na nakararanas siya ng anxiety simula pa noong pagkabata. Seryoso raw ito kaya't nagpatingin pa siya sa therapist at may iniinom na gamot para rito.

Ginamit din daw niya ang pagwo-workout at suporta ng pamilya at kaibigan para makontrol ang kanyang anxiety.

Ayon sa Mayo Clinic, ang anxiety disorder ay sakit kung saan maaaring magdulot ng intense panic attack dahil sa abnormal na takot o pag-aalala. Ang mga taong may malalang anxiety disorder ay nahihirapan sa pagtapos ng kanilang mga araw-araw na gawain.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi kumpirmado kung natugunan na ng treatment ang anxiety ni Moonbin, o kung meron pa siyang ibang iniindang mental health issues bukod dito.

Sa panayam naman sa Star magazine, ipinahayag ni Moonbin ang kahalagahan ng pagiging open tungkol sa mental health.

Saad niya, "I think it’s important for people to talk about their mental health and seek help when they need it.

"It’s something that we should all be aware of and try to support each other with."

MORE TRAGEDIES

Alam ng mga tagahanga ng K-pop at Korean media na marami pang Korean celebrities na napabalitang may issue sa mental health.

Noong October 2019, napabalita ang pagkamatay ni Sulli, isang K-pop star at actress, dahil sa pagpapatiwakal. Siya ay 25 years old.

Sa kanyang mga naunang panayam, inamin ng dating miyembro ng K-pop group na f(x) na mayroon siyang panic disorder.

Matagal din siyang naging biktima ng cyberbullying dahil sa pagsuporta niya sa feminism at women’s rights, na itinuturing na taboo sa South Korea, na isang konserbatibong bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang buwan matapos ang pagkamatay ni Sulli ay nagpatiwakal din umano ang kanyang kaibigang si Goo Hara. Siya ay 28 years old.

Naapektuhan umano ang dating miyembro ng girl group na Kara sa pagpanaw ng kanyang kaibigan, at sa cyberbullying bunsod ng pagkalat ng kanyang sex video.

Noong December 2017 naman ay natagpuang patay si Jonghyun, na miyembro ng boy group na SHINEe. Siya ay 27 years old.

Sa natagpuang suicide note, isinaad niya ang kanyang struggle with depression at estado niya bilang isang sikat na public figure.

Noong June 2010, natagpuan din ang bangkay ni Park Yong-Ha, ang sikat na artista na bumida sa Winter Sonata. Siya ay 32 years old.

Ayon sa mga balita, na-pressure ang aktor at singer sa pag-manage ng kanyang entertainment company at career habang inaalala ang amang may cancer.

Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KOREA AND MENTAL HEALTH

Sa ngayon, itinuturing na 12th highest in the world ang suicide rate sa South Korea; pinakamataas ito sa mga mauunlad na bansa.

Ayon sa ForeignPolicy.com, tumaas ng 10 percent ang rate ng pagpapatiwakal ng Koreans na under 40 years old noong 2019 kung ikukumpara sa 2018.

Ang dahilan umano nito ay ang pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng wealth inequality.

Marami rin sa young adults ang nahihirapang maghanap ng maayos na trabaho.

Noong November 2020, halimbawa, 40 percent ng college graduates ay tumigil muna sa paghahanap ng trabaho.

Mayroon na ring housing crisis sa mga siyudad sa South Korea nang tumaas sobra-sobra ang presyo o renta ng mga kabahayan kaya’t nahihirapang maghanap ng matitirhan ang mga young adult.

Mataas din ang kultura ng kumpetisyon sa South Korea. Nagsisimula ito sa kindergarten, kung saan may matinding pressure na maging pinakamagaling sa klase.

Pina-prioritize ng mga magulang ang pag-aaral; matapos ang eskuwela ay pinapadala pa ang mga mag-aaral sa tutoring schools, o hagwon, ng ilang oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila nawawalan na ng oras ang mga bata para maglaro.

Ayon sa National Youth Policy Institute, isa sa bawat tatlong middle at high school student sa South Korea ay nag-iisip magpatiwakal dahil sa academic pressure.

Malala rin ang isyu ng bullying sa mga eskuwelahan sa South Korea, at naging malakas na usapin na ito sa media.

Mayroon pa ngang sumikat na palabas sa Netflix na The Glory, na base sa mga malalang kaso ng bullying sa South Korea.

Ang lahat ng ito ay naging dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga kabataan at young adults na may depression o iba pang mental health issues.

Gayunpaman, kaunti lamang ang humihingi ng tulong sa pamamagitan ng pagpapatingin sa doktor.

Ayon sa Harvard, 20 percent lamang ng mga South Korean ang nagpapa-treatment dahil tinitingnan ng karamihan na kahinaan ang pag-amin na mayroon kang mental illness, at magdudulot ito ng kahihiyan sa iyong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MENTAL HEALTH REFORM

May ginagawang hakbang ang gobyerno ng South Korea at ang concerned groups para tuldukan na ang mataas na suicide rate sa Korea.

Ilan sa mga sinubukan nang hakbang ay ang pag-set ng curfew sa mga hagwon, at ang Korean Work-Learning Dual System na nagnanais turuan ang kabataang dagdagan ang skills nila para mas madaling makahanap ng trabaho.

Tinutugunan na rin ang mga malalang kaso ng bullying sa mga paaralan.

Bukod pa rito ay may mga grupo rin sa South Korea na nais tanggalin ang stigma ng karamihan ukol sa pagpapatingin ng mga taong may mental health issues.

Dumarami na rin ang mga palabas na nagnanais na bigyang impormasyon ang mga manonood tungkol sa mental health. Isa na rito ay ang Korean drama na It's Okay to Not Be Okay noong 2020.

Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline: 0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa ForeignPolicy.com, tumaas ng 10 percent ang rate ng pagpapatiwakal ng Koreans na under 40 years old noong 2019 kung ikukumpara sa 2018. Ang dahilan umano nito ay ang pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng wealth inequality.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results