PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

3D Printing to Recreate Murder Victim's Face

Her family will hold proper funeral for the Hong Kong socialite.
Published May 11, 2023
abby choi
Family of Abby Choi, a Hong Kong socialite who was brutally murdered in February 2023, are hiring a hi-tech firm that will use 3D-printing technology to recreate her face for her upcoming funeral.
PHOTO/S: Abby Choi's Instagram

Gamit ang three-dimensional (3D) printing technology, lilikha ng 3D na mukha ni Abby Choi, ang pinaslang na Chinese model mula Hong Kong, China.

Ito ay para makapagluksa nang maayos ang kanyang mga naiwang mahal sa buhay.

Natuklasan ng Hong Kong Police ang mga bahagi ng katawan ni Choi, isang 28-year-old social-media influencer at trendsetter, kasama ang kanyang ID at credit cards noong February 24, 2023.

Read:

Kabilang sa mga suspek ay ang ex-husband ng victim na si Alex Kwong at ang mga magulang at kuya nito.

“Financial dispute” ang itinuturong dahilan para magawa ng mga suspek na pagpira-pirasuhin ang katawan ng biktima.

Ang scene of the crime ay isang nirentahang apartment, kung saan natagpuan ang meat grinder, chainsaws, at iba pang ginamit sa pagpatay.

Nakita rin dito ang skull, broken legs, ribs, at kaldero na may lamang sopas na nagtataglay human tissues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FACE RECREATION VIA 3D PRINTING TECHNOLOGY

Sa exclusive report ng South China Morning Post, iniulat na inaayos ngayon ng pamilya ni Choi ang lamay ng modelo sa darating na June 18.

Susundan ito ng cremation sa isang monastery sa Lantau Island.

Isang source na aware sa plano ng pamilya ng biktima ang nagsabing iha-hire ang isang overseas hi-tech firm para sa 3D printing at make-up service sa paglikha ng mukha para sa skull.

Ito ay para sa planong “respectful viewing” ng mga labi, dagdag ulat ng South China Morning Post.

Samantala, ang paggamit ng 3D printing technology para sa mga namayapa ay hindi na bago sa China.

Kasama ito sa services ng funeral parlors para ma-recreate ang mukha ng mga pumanaw dulot ng trahedya.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Family of Abby Choi, a Hong Kong socialite who was brutally murdered in February 2023, are hiring a hi-tech firm that will use 3D-printing technology to recreate her face for her upcoming funeral.
PHOTO/S: Abby Choi's Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results