Pumanaw na ang South Korean musical actress na si Park Soo Ryun nitong June 11, 2023.
Siya ay 29 taong gulang.
Ayon sa ina ni Soo Ryun, aksidenteng nahulog ang aktres sa hagdan ng kanilang bahay pag-uwi nito galing trabaho.
Bago siya tuluyang malagutan ng hininga ay ilang araw na-comatose ang aktres.
Sa ulat ng South Korean entertainment portal na Soompi.com, napagdesisyunan ng pamilya ni Soo Ryun na i-donate ang kanyang organs, sa hiling na rin ng namayapang aktres.
“Only her brain is unconscious, and her heart is still beating.
"There must be someone who desperately needs [organs]. As her mother and father, we will be able to live comforted [by the thought that her heart] has gone to someone and is beating," saad ng ina ni Soo Ryun.
Ang mga labi ni Soo Ryun ay nananatili sa Suwon Hospital ng Gyeonggi Provincial Medical Center sa Jangan-gu, Suwon, Gyeonggi-do South Korea.
Unang nakilala si Soo Ryun nang mag-debut siya sa creative musical na Il Tenore noong 2018. Ilan pa sa musicals na nilabasan niya ay ang Finding Kim Jong Wook; Passing Through Love; The Days We Loved; at Siddhartha.
Napanood din ang aktres sa K-drama series na Snowdrop noong 2021, kung saan nakasama niya ang BLACKPINK member na si Jisoo at ang Korean actor na si Jung Hae-in.
Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s
