[TRIGGER WARNING: SUICIDE, DEPRESSION, SEXUAL ASSAULT]
This article was originally uploaded on April 25, 2023. Updates were made on February 19, 2025.
Hindi maikakaila kung gaano kahumaling ang mga Pilipino pagdating sa South Korean culture.
Nag-ugat ito dahil sa impluwensiya ng mga iniidolo nilang Korean stars na maituturing ng iba na inspirasyon sa kani-kanilang pag-aaral at maging sa trabaho.
Kaakibat ng pagmamahal nila sa mga ito ay ang malaking epekto kapag may nalalaman silang hindi maganda sa mga iniidolo nilang K-pop stars.
Kabilang na rito ang pagkakasakit, pagkakasangkot sa aksidente, at pagpanaw ng K-pop idols.
Sa pamamagitan ng pahinang ito, ating balikan ang Korean stars na ginulat ang publiko dahil sa hindi inaasahang pagpanaw nila sa murang edad.
Read: In Korean Celebrity Suicides, the Spotlight Shines on the Country's Institutionalized Tragedy
PARK BO RAM, 30
Nagluluksa ang maraming K-pop fans sa biglaang pagpanaw ng South Korean singer na si Park Bo Ram.
Siya ay 30 years old.
Ayon sa kinabibilangang talent agency ng singer na XANADU Entertainment, sumakabilang buhay si Park Bo Ram noong gabi ng April 11, 2024, ngunit iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagpanaw nito.
Unang nakilala si Park Bo Ram nang sumali siya sa Mnet singing show na SuperStar K2 noong 2010, kunsaan napasama siya sa finalists.
2014 nang mag-debut naman siya bilang singer sa kanyang hit song na "Beautiful."
Bukod sa "Beautiful," kilala rin si Park Bo Ram sa mga kanta niyang ginamit sa ilang Korean telenovela series kagaya ng "Hyehwa-dong" ng Reply 1988 (2015); "Please Say Something, Even Though It Is a Lie" mula sa W (2016); at "Like A Dream" ng Prison Playbook (2017).
Read: Korean singer Park Bo Ram dies at 30

NAHEE, 24
Pumanaw ang South Korean singer-songwriter na si Nahee o Lim Na Hee sa totoong buhay noong November 8, 2023, sa edad na 24.
Hindi isinapubliko ng kanyang pamilya ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Unang nakilala si Nahee nang mag-debut siya sa pamamagitan ng single niyang “Blue City” noong 2019.
Simula nito nagtuluy-tuloy na ang pamamayagpag niya sa pagsusulat ng kanta.
Bukod sa pagkanta, isa ring kilalang vlogger si Nahee dahil sa kanyang mga cover song video sa YouTube.
Read: South Korean singer Nahee dies at 24

LEE JI SOO, 30
Binawian ng buhay ang South Korean comedienne na si Lee Ji Soo, sa edad na 30, noong July 11, 2023.
Katulad ni Nahee, hindi rin nagawang isapubliko ng pamilya ni Lee Ji Soo ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Unang nakilala si Ji Soo nang mag-debut siya sa TVN's Comedy Big League noong 2021.
Simula nito ay nagtuluy-tuloy na ang pagbibigay sa kanya ng proyekto, kabilang na rito ang pagge-guest niya sa iba't ibang comedy shows sa South Korea.
Read: Korean comedienne Lee Ji Soo dies at 30

PYO YE RIM, 28
Sumakabilang buhay ang South Korean YouTuber na si Pyo Ye Rim noong October 10, 2023. Siya ay 28.
Suicide ang itinuturong dahilan ng kanyang pagkamatay matapos niyang mahulog sa Seongjigok Reservoir, ang sikat na tourist spot sa Busan, South Korea.
Ayon sa mga netizens na tagasubaybay niya sa YouTube, bago pa mangyari ang insidente ay nagpahiwatig na si Pyo Ye Rim sa kanyang YouTube vlogs na may problema siyang pinagdaraanan, kung saan ibinahagi niya na may isang YouTuber na pinaparatangan siyang sinungaling.
May kaugnayan ito sa pagsasapubliko ni Pyo Ye Rim noong April 2023, na biktima siya ng bullying noong siya ay nasa elementary at high school.
Read: YouTuber, bullying victim Pyo Ye Rim dies at 28; netizens suspect suicide

PARK SOO RYUN, 29
Aksidenteng pagkahulog sa hagdan ang sanhi ng pagkamatay ng South Korean musical actress na si Park Soo Ryun noong June 11, 2023.
Ayon sa ina ni Soo Ryun, aksidenteng nahulog ang aktres sa hagdan ng kanilang bahay pag-uwi nito galing trabaho.
Bago siya tuluyang malagutan ng hininga ay ilang araw na-comatose ang aktres.
Sa ulat ng South Korean entertainment portal na Soompi.com, napagdesisyunan ng pamilya ni Soo Ryun na i-donate ang kanyang organs, sa hiling na rin ng namayapang aktres.
Unang nakilala si Soo Ryun nang mag-debut siya sa creative musical na Il Tenore noong 2018. Ilan pa sa musicals na nilabasan niya ay ang Finding Kim Jong Wook; Passing Through Love; The Days We Loved; at Siddhartha.
Napanood din ang aktres sa K-drama series na Snowdrop noong 2021, kung saan nakasama niya ang BLACKPINK member na si Jisoo at ang Korean actor na si Jung Hae-in.
Read: South Korean musical actress Park Soo Ryun dies at 29 after fall from stairs

HAESOO, 29
Wala nang buhay nang matagpuan ang South Korean trot singer na si Kim Ara o mas kilala sa stage name na Haesoo sa inuupahan niyang apartment sa Seoul, South Korea, noong May 12, 2023.
Siya ay 29.
Suicide ang itinuturong dahilan ng kanyang pagkamatay dahil lumabas sa imbestigasyon na may natagpuan ang Yongsan Police sa crime scene na isang liham na mismong si Haesoo ang sumulat at pinaghihinalaang suicide note.
Bago sumakabilang buhay, nakatakda pa sana siyang mag-perform sa isang event sa North Jeolla Province sa South Korea.
Unang nakilala si Haesoo noong 2019 nang mag-debut siya bilang trot singer sa pamamagitan ng mini-album niyang My Life, Me.
Ang trot ay isang music genre sa South Korea. Kilala ang genre na ito na may upbeat tempo, repetitive rhythm, at vocal inflections.
Noong January 2023, napanood pa sa KBS 2TV shows na Immortal Songs at Boss in the Mirror si Haesoo nang mag-guest siya rito.
Read: Korean singer Haesoo dies at 29; alleged suicide note found by police

MOONBIN, 25
Katulad ni Haesoo, wala na ring buhay nang matagpuang ang ASTRO member na si Moonbin sa mismong bahay nito sa Gangnam district sa Seoul, South Korea noong April 19, 2023.
Siya ay 25.
Read: ASTRO member Moonbin to be given a private funeral
Sa inisyal na imbestigasyon ng Seoul Gangnam Police Station, suicide ang nakikita nilang dahilan sa pagkamatay ng K-pop star.
Read: K-pop stars, '98 liners squad mourn the passing of ASTRO's Moonbin

LEE JI HAN, 24
Pumanaw ang former Produce 101 (Season 2) contestant na si Lee Ji Han noong October 29, 2022, sa edad na 24.
Si Ji Han ay isa sa sangkot sa malagim na trahedyang nangyari sa Itaewon District sa Seoul, South Korea, habang nagdiriwang ng Halloween.
“Crowd crash” ang itinuturong dahilan sa pagkasawi ng hindi bababa sa 154 indibidwal, kabilang na rito si Ji Han.
Unang nakilala si Ji Han nang sumali siya sa K-Pop idol search na Produce 101 (Season 2) noong 2017.
Dito nakatunggali niya ang Wanna One members na sina Kang Daniel, Park Ji-Hoon, Lee Dae-Hwi, Kim Jae-Hwan, Ong Seong-Wu, Park Woo-Jin, Lai Kuan-Lin, Yoon Ji-Sung, Hwang Min-Hyun, Bae Jin-Young, at Ha Sung-Woon.
Taong 2019 nang nag-debut si Ji Han bilang K-drama actor sa web drama na Today Was Another Nam Hyun Day.

GOO SOO JUNG, 24
Sumakabilang buhay ang Korean actress na si Go Soo Jung, sa edad na 24.
Noong February 12, 2020, mismong ang talent agency niyang Story J Company ang nag-anunsiyo sa publiko sa biglaan niyang pagpanaw.
Batay sa English translation ng Korean entertainment website na Soompi.com, nakasaad sa post ng talent agency na namatay si Go Soo Jung sa hindi tinukoy na sakit.
Nakilala si Go Soo Jung sa kanyang debut project noong 2016, ang Korean drama na Goblin, na pinagbidahan nina Gong Yoo, Kim Go-eun, at Lee Dong-wook.
Ginampanan niya rito ang papel ng isa sa mga multong sinusundan ang karakter ni Kim Go Eun.
Napanood din ang aktres sa TV series na Solomon’s Perjury.
Itinampok din siya sa isang music video ng sikat na Korean boy band na BTS, ang “With Seoul.”

LEE EUN JU, 24
Katulad nina Lee Ji Han at Go Soo Jung, pumanaw rin sa edad na 24 ang K-drama actress na si Lee Eun Ju.
Sa ulat ng Soompi.com, suicide ang naging sanhi ng kamatayan ni Eun Ju noong February 22, 2005.
Kabilang sa mga proyektong nagawa ni Eun Ju ay Rainbow Trout (1999), Virgin Stripped Bare by Her Bachelors (2000), Lovers’ Concerto (2002), Au Revoir at UFO (2004), at The Scarlet Letter (2004).

SULLI, 25
Binawian ng buhay ang singer-actress na si Choi Jin-Ri o mas kilala sa stage name na Sulli noong October 14, 2019.
Siya ay 25.
Ayon sa ulat ng SBS Star, natagpuan si Sulli ng kanyang manager na wala nang buhay sa loob mismong apartment ng singer-actress sa Sujeong-gu, Seongnam-si.
Suicide ang itinuturong dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nakilala si Sulli nang mag-debut siya bilang miyembro ng South Korean girl group na f(x) noong 2009.
Taong 2012 naman nang pasukin niya ang mundo ng pag-arte nang pagbidahan niya ang hit romantic-comedy series na To The Beautiful You, kung saan naging katambal niya ang SHINee member na si Choi Min Ho.
Kumalas si Sulli sa f(x) noong 2015 nang mapagdesisyunan niyang mag-focus sa kanyang acting career at pagiging soloist.

JUNG CHAE YULL, 26
Wala nang buhay ang South Korean model-actress na si Jung Chae Yull nang matagpuan sa kanilang bahay noong, April 11, 2023.
Siya ay 26.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng kinabibilangang talent agency ng model-actress, ang Management S, sa pamamagitan ng isang official statement.
Mababasa sa kanilang statement (ayon sa English translation ng South Korean website na Soompi): "Today, we are relaying sorrowful and heartbreaking news.
"Actress Jung Chae Yull has left our side on April 11, 2023.
"In accordance with the wishes of the bereaved family who must have been in greater sadness than anyone else, the funeral will be held quietly in private.
"Please wish for Jung Chae Yull, who had always been earnest in her pursuit of acting, to rest in peace in a warm place."
Unang nakilala si Chae Yull nang sumali siya sa 2016 reality TV show na Devil's Runway.
Noong 2018 ay nag-debut siya bilang aktres at napabilang sa cast ng pelikulang Deep.
Simula noon, nagsunud-sunod na ang kanyang acting projects gaya ng K-drama series na Zombie Detective (2020) at I Have Not Done My Best Yet (2022).
Bago sumakabilang buhay, nakatakda sanang bumida si Chae Yull sa Wedding Impossible na nasa kalagitnaan na ng produksiyon.

SONG YOO JUNG, 26
Noong January 25, 2021, naging laman ng mga pahayagan ang biglaang pagpanaw ng aktres na si Song Yoo Jung.
Siya ay 26.
Ayon sa Korean media reports, binawian ng buhay ang Korean drama actress noong January 23, 2021, sa hindi tukoy na dahilan.
Si Yoo Jung ay dating cosmetics brand model bago siya napanood sa weekend drama na Golden Rainbow noong 2013.
Umere ang Golden Rainbow sa MBC network.
Nang sumunod na taon, 2014, lumabas si Yoo Jung sa daily drama na Make Your Wish, sa MBC pa rin.
Noong 2017, bumida si Yoo Jung sa K-Drama na School 2017 sa KBS, at sa fantasy-romance na Dear My Name noong 2019.
October 2018, napanood si Yoo Jung sa music video ng single ng six-member Korean boy band na iKon na "Goodbye Road."

KIM JONGHYUN, 27
Halos hindi makapaniwala ang buong K-pop industry sa biglaang pagpanaw ng lead singer ng popular boyband group na SHINee na si Kim Jonghyun.
Noong December 18, 2017, inanunsiyo ng SM Entertainment, ang label company ng SHINee, ang malungkot na balitang pumanaw na si Jonghyun sa edad na 27.
Ayon sa report ng mga pulis, natagpuang unconscious si Jonghyun sa inuupahan niyang apartment sa Cheongdam-dong, sa Seoul.
Hinihinala ring nag-suicide siya dahil sa mga nakita nilang ebidensiya sa loob ng kanyang silid.
Dagdag pa rito ang huling text niya sa kanyang nakatatandang kapatid.
Ani Jonghyun sa text: “It has been really hard. Let me go. Tell me I did well. This is my last goodbye.”
Noong 2008 nang mag-debut si Jonghyun bilang miyembro ng SHINee.

YOO JOO EUN, 27
Pumanaw ang South Korean actress na si Yoo Joo-eun noong August 29, 2022.
Siya ay 27.
Ang kanyang pagpanaw ay personal na inanunsiyo ng kanyang kapatid sa Instagram.
Ayon sa ulat ng Soompi.com, suicide ang naging sanhi ng pagkamatay ni Joon-eun.
Ibinahagi rin ng kanyang kapatid ang iniwang liham ng aktres na naglalaman ng paghingi niya ng tawad sa kanyang nagawa.
Mababasa sa kanyang suicide note: "I am sorry for leaving first. I am especially sorry to Mom, Dad, Grandma, and Oppa [older brother] My heart screams that I don’t want to live. Life without me may be empty, but please live on bravely. I will keep watch of everything. Don’t cry. You’ll be hurt.
"I’m not sad at all in the slightest right now. I feel resolute and calm. I think it’s because I have thought of this for a long time.
"I’ve lived such a happy life that was more than I deserved. That’s why, it is enough for me. This is enough. So please live without placing blame on anymore.
"I’m not dead, so everyone, please live well. I hope many people are called to my funeral, and I want to see everyone for the first time in a while and check in on anyone who is having a hard time.
"I wanted to act so badly. Perhaps it was my all, and it was a part of me. However, living that life wasn’t easy. I don’t want to do anything else. That was so hopeless. Having something you want to do is a blessing, but I realized that only wanting to do that thing is a curse.
"God loves me, so he won’t send me to hell. He will understand my feelings and care for me going forward. That’s why, everyone, don’t worry.
"And to all my loving family and friends and my loves. Thank you so much for treasuring me and loving me. That was my strength and my smile. I lived with unforgettable memories until the end, so I think I’ve lived a successful life.
"Thank you for understanding and embracing me who was lacking and impatient. I’m sorry I can’t express it well. But you’ll still understand how I feel, right?
"And to all those precious relationships I’ve made, especially the teachers, I was so grateful, and I respected you all. Thank you so much for teaching me the many things in life."
Dagdag pa niya, "Mom, Dad, I love you. Don’t cry. Please."
Nakilala si Joo-eun nang lumabas siya sa 2018 drama na Big Forest at 2019's Joseon Survival.

JUNG DA BIN, 27
Pumanaw si Jung Da Bin noong February 10, 2007, sa edad na 27.
Ayon sa mga ulat, depresyon ang nagtulak kay Da Bin para wakasan ang kanyang buhay.
Noong 2000 nang mag-debut bilang aktres si Da Bin sa SBS sitcom na Money.com.
Taong 2003 naman nang makasama siya sa cast ng drama series Attic Cat (Cat On The Roof) at Wonderful Life (2005).

GOO HARA, 28
Pumanaw ang K-pop idol na si Goo Hara, sa edad na 28, noong November 24, 2019.
Si Hara ay dating miyembro ng sikat na female group na Kara.
Kinumpirma ng Seoul Gangnam Police Station ang kanyang pagkamatay.
Base sa ulat ng Soompi.com, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Hara sa kanyang tahanan sa Cheongdam, Seoul, South Korea.
Pumanaw si Hara anim na buwan lamang pagkatapos ng kanyang tangkang pagpapakamatay.
Noong May 2019 ay humingi na siya ng paumanhin sa kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang suicide attempt.
Si Hara ay nag-debut sa K-pop music scene noong 2008 bilang miyembro ng Kara. Ilan sa pinasikat nilang kanta ay ang "Step," "Mister," "Mamma Mia," at "Lupin."
Bago pa man pormal na nag-disband ang Kara noong January 2016, nag-solo na si Hara noong July 2015 sa pamamagitan ng kantang "Alohara (Can You Feel It)."
Si Hara ay matalik na kaibigan ni Sulli, ang miyembro ng all-female group na f(x) na pumanaw noong October 14, 2019, dahil din sa suicide.

CHUNG HEON CHUL a.k.a IRON, 29
Natagpuang patay ang South Korean rapper na si Iron sa labas ng isang apartment complex sa Seoul noong January 25, 2021.
Si Iron, Chung Heon Chul ang tunay na pangalan, ay 29 years old.
Ayon sa Yonhap News Agency, walang malay at duguan ang rapper nang matagpuan ng security guard sa damuhan sa harap ng isang apartment complex sa Jung District sa Seoul.
Kaagad naman daw nakatawag ng ambulansiya ang guard para isugod sa ospital si Iron, pero dead-on-arrival na ito.
Taong 2014 nang sumikat si Iron bilang semi-finalist sa third season ng hip-hip audition program ng Mnet na Show Me the Money.
Makalipas ang dalawang taon, taong 2016, ini-release ni Iron ang kanyang first album, ang Rock Bottom.
Bukod sa kanyang musika, naging laman ng balita si Iron dahil sa mga kinasangkutan niyang krimen at eskandalo.
Ayon sa Yonhap report, noong December 2020, ilang oras na nakulong si Iron dahil sa panghahataw umano ng baseball bat sa roommate niyang 18 taong gulang lamang.
September 2020, pinagmulta ng korte ng 5 million won (PHP217,997) ang rapper dahil sa pagpapakalat sa media ng maling impormasyon tungkol sa dati niyang girlfriend.
Noong 2018, nasentensiyahan si Iron ng korte ng walong buwang pagkakabilanggo—na sinuspinde ng dalawang taon—matapos niyang suntukin sa ulo ang kanyang nobya noong September 2016.
Taong 2016 nang mapatunayan naman ng hukuman na nagkasala si Iron sa paggamit ng marijuana sa pagitan ng 2014 at 2015.
Nahatulan siya ng walong buwan sa bilangguan, subalit nasuspindi rin ng dalawang taon ang sentensiya niyang ito.

JANG JA YEON, 29
Ang pagkamatay ng aktres na si Jang Ja Yeon ay isa sa maituturing na kontrobersiyal sa South Korea.
Nakilala si Ja Yeon dahil sa pagganap niya bilang Park Sun-ja sa hit K-drama series na Boys Over Flowers noong 2009.
Namatay siya sa edad na 29 noong March 7, 2009, dahil sa umano'y suicide.
Ayon sa ulat ng koreaboo, natagpuang nakabigti si Ja Yeon sa kanilang bahay sa Seongnam ng kanyang nakatatandang kapatid na babae.
Bago malagutan ng hininga si Ja Yeon ay nag-iwan siya ng dokumento na naglalaman ng high-profile names na nang-abuso umano sa kanya sexually.
Sa nasabing dokumento, nakasaad ding regular na binubugbog ang aktres ng kanyang manager na si Kim Sung Hoon at pinilit siyang makipagtalik sa ilang CEO at media executive.
Agad ding naglunsad ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung may foul play sa kanyang pagkamatay.
Dahil sa kakulangan ng ebidensiya, sinabing suicide ang dahilan ng pagpanaw ng aktres.
Sa 31 pangalang binanggit niya sa dokumento, dalawa lamang ang hinatulan ng korte—ang CEO ng kanyang talent agency at ang mismong manager niyang si Kim Sung Hoon.

JUNG JOONG JI, 30
Pumanaw ang South Korean actor na si Jung Joong Ji noong September 20, 2022.
Siya ay 30.
Nakilala si Joong Ji dahil sa pagsali niya sa Mnet's reality show na Produce 101 (Season 2) noong 2017.
Suicide ang itinuturong dahilan ng kanyang pagkamatay, ayon sa Twitter post ng kanyang ina.
Saad niya sa tweet (ayon sa English translation allkpop), "This is Jung Joong Ji's mother. My son took his own life.
"I can't describe how I feel right now."

KIM SAE RON, 24
Itinuturing na isang malaking trahedya ang pagkamatay ng dating child actress na si Kim Sae Ron sa murang edad na 24.
Natagpuan ang walang buhay na katawan ni Kim Sae Ron ng kanyang kaibigan, na tumawag ng police, sa bahay ng aktres sa Seoul noong February 16, 2025.
Ayon sa Seongdeong Police sa Seoul at Yonhap News Agency, suicide ang dahilan ng pagkamatay ng aktres.
Wala raw note o letter na iniwan si Kim Sae Ron.
Pinaniniwalaang dahil sa labis na depression ang nagtulak sa aktres na wakasan ang sariling buhay.
Isa sa itinuturing na pinakasikat at pinakamagaling na aktres sa South Korea, nagsimula ang dagok sa buhay at career ni Kim Sae Ron nang maaresto siya dahil sa driving under the influence (DUI) noong 2022.
Pinagmulta siya ng 20 million won o PHP860,480 dahil sa pinsalang idinulot ng insidente.
Matapos nito ay nagsimula nang madiskaril ang showbiz career ng aktres.
Nag-backout siya sa kanyang role sa SBS drama Trolley.
Hindi na-renew ang kanyang kontrata sa kinabibilangang talent management agency, ang Gold Medalist.
Pinatawan din siya ng ban ng major TV network sa South Korea, ang KBS.
Bagamat nakabalik siya sa paggawa ng mga proyekto, patuloy pa rin siyang nakatanggap ng batikos mula sa netizens.

Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.
