PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinaghahanap: Turista mismo ang_putiT Ancient Colosseum

Halos isang milyong piso at five years in prison ang parusa
by Bernie V. Franco
Published Jun 28, 2023
tourist vandalizing colosseum
Viral ang kumalat na video ng isang turista na inukit ang pangalan niya at ng kasintahan sa pinakatanyang na tourist site sa Italy, ang Colosseum na isang UNESCO World Heritage site.
PHOTO/S: YouTube (rytz)

Tinutugis ngayon ng kapulisan ng Italy ang isang lalaking nagbandalismo sa Colosseum, ang 2,000-year-old ancient amphitheater sa Rome, Italy na idineklarang UNESCO World Heritage site.

Ang ancient Colosseum na itinayo noon ng Roman empire ay itinuturing bilang largest amphitheater ever built magpahanggang ngayon.

Kamakailan ay nag-viral ang video ng isang turista na sinulatan ang pader ng tanyag na pasyalan.

Gamit ang susi, inukit ng lalaki ang mga katagang “Ivan+Hayley 23” sa pader. Pinaniniwalaang pangalan niya ito at ng kanyang girlfriend.

Makikita pa ang lalaking humarap sa camera at ngumiti.

Maririnig naman ang kumukuha ng video na English speaking at hindi makapaniwala sa ginawa ng turistang nag-vandalize.

Sabi ng nagvi-video, “Seriously? [You’re] f*cked up, man. St*pid as*hole.”

Hindi pa natutukoy ng kapulisan sa Italy ang pagkakakinlanlan ng turistang nag-vandalize.

Hindi biro ang kakaharaping parusa ng lalaki kapag napatunayan siyang nagkasala.

Pagmumultahin siya ng 15,000 euros o higit PHP900,000 at limang taong pagkakakulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Bored" security guard nilagyan ng mga mata ang painting na worth PHP50M

tourist vandalize

ITALIAN MINISTER CONDEMNS THE ACT

Kinondena naman ng Culture Minister ng Italy na si Gennaro Sangiuliano ang ginawa ng turista sa pamosong tourist attraction.

Sabi ng ministro, ang ginawa ng turista ay “very serious” at “a sign of great incivility that a tourist defaces one of the most famous places in the world, the Colosseum, to engrave the name of his fiancée."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Sangiuliano: “I hope that whoever did this will be identified and sanctioned according to our laws.”

Samantala, hindi ito ang unang beses na nilapastangan ang ancient structure.

Noong September 2020, isang 32 anyos na Irish ang diumano’y nahuling inuukit ang kanyang initials sa pader.

Inaresto ang Irish at kinasuhan dahil sa pagsira sa historical landmark.

Makalipas ang isang buwan, nahuli naman ang isang 14 anyos na German girl na nag-vandalize rin.

Sinabi naman ni Alfonsina Russo, director ng Colosseum, may mga tao talagang kulang ng edukasyon kaya nila iyon nagawa.

“Anyone who writes on monuments has obviously not been educated about our cultural heritage,” aniya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viral ang kumalat na video ng isang turista na inukit ang pangalan niya at ng kasintahan sa pinakatanyang na tourist site sa Italy, ang Colosseum na isang UNESCO World Heritage site.
PHOTO/S: YouTube (rytz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results