PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Turista humingi ng tawad sa Colosseum

"He kept apologising for it."
by Bernie V. Franco
Published Jul 5, 2023
Colosseum
“He told us he was very upset by what he had done, and he kept apologising for it,” sabi ni Major Roberto Martina ng Italian military unit tungkol kay Ivan Dimitrov, ang British tourist na nag-ukit ng pangalan sa makasaysayang Colosseum sa Italy.
PHOTO/S: Unsplash (David Kohler)

Nagmakaawa at nakiusap ang turistang nagbandalismo sa Colosseum, ang tanyang na ancient tourist attraction sa Rome, Italy.

Ito ay matapos siyang matukoy at makilala ng Carabinieri, tawag sa Italian authorities.

Kapag napatunayang nagkasala, ang lalaki ay maaaring papatawan ng limang taong pagkabilanggo at piyansang 15,000 euros (PHP900,000).

Ang 2,000-year-old na Colloseum ay itinayo ng Roman Empire at idineklarang UNESCO World Heritage site.

Dalawang linggo na ang nakalilipas, nag-viral ang isang video kung saan nakunan ang isang lalaking turista na inukit ang mga katagang “Ivan+Hayley23” sa Colloseum, ang pinakamalaking ampitheatre sa buong mundo.

Read:

Ang inukit ay pangalan ng lalaking turista at ng kanyang kasintahan. Magkasama sila nang mangyari ang insidente.

tourist carve names colosseum

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang nag-viral ang video ng isang male tourist na nag-ukit ng pangalan niya at ng kasintahan sa makasaysayang Colosseum sa Rome, Italy. Nakilala na ang kanyang identity.

Kinondena ng Italian government officials ang pagbandalismo ng turista, kaya’t pinaghanap siya ng Italian authorities.

Read:

HOW ITALIAN POLICE TRACKED THE TOURIST

Sa mga lumabas na ulat, kinilala ang turistang lalaki bilang si Ivan Dimitrov, a.k.a. Ivan Hawkins, 27, isang Briton.

Si Ivan ay Bulgarian-born fitness instructor mula sa Bristol, England.

Ang kanyang kasintahan ay kinilalang si Hayley Bracey.

Natunton ng Carabinieri ang magkasintahan sa pamamagitan ng photographic comparisons.

Sinabi ni Major Roberto Martina ng Carabinieri na nakausap na nila si Dimitrov at pinagsisisihan nito ang kanyang ginawa.

“He told us he was very upset by what he had done, and he kept apologising for it,” ulat ng Euronews.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think he was worried about the consequences of any trial and we explained that he could be jailed for between two and five years and be fined up to €15,000.”

Ipinaliwanag ni Martina na nalaman nila ang mobile number ni Dimitrov mula sa hotel records.

Nakipag-ugnayan sa kanila si Dimitrov matapos matanggap ang mensahe na tawagan ang Italian police.

“He was naturally worried about the legal implication, and these were all explained to him,” ani Martina.

Pagpapatuloy ng opisyal: "We didn’t ask him why he did it, that will be for a judge to hear, we just told him that he was a suspect and was part of the investigation."

Sinabi rin ni Martina na hindi kasama sa sinampahan ng reklamo ang kasintahan ni Dimitrov, pero technically ay maaari siyang ituring na accessory sa ginawa ng boyfriend.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“He told us he was very upset by what he had done, and he kept apologising for it,” sabi ni Major Roberto Martina ng Italian military unit tungkol kay Ivan Dimitrov, ang British tourist na nag-ukit ng pangalan sa makasaysayang Colosseum sa Italy.
PHOTO/S: Unsplash (David Kohler)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results