Pumanaw na ang South Korean soprano singer na si Lee Sang Eun nitong Huwebes, July 6, 2023.
Siya ay 46.
Ayon sa ulat ng South Korean entertainment portal na Koreaboo, natagpuang wala nang buhay si San Eun sa women’s bathroom, ilang minuto bago magsimula ang kanyang live performance sa Gimcheon Culture and Art Center sa South Korea.
Naimbitahan si San Eun na mag-perform sa 33rd Regular Concert of Gimcheon Municipal Choir, na inorganisa kasama ang Mokpo Municipal Choir.
Ilang minuto bago sumalang sa entablado ay bigla raw nawala backstage si Sang Eun kaya nagsimulang naghanap ang event staff.
Bandang 8:23 ng gabi natagpuan ang South Korean soprano singer na nakahandusay sa sahig.
Saad ng event staff, "It was time for Lee Sang Eun to come on stage, but she wasn’t backstage.
"When I looked in the bathroom, I found her lying on the floor."
Dinala pa raw ng event rescue team si Sang Eun sa malapit na ospital ngunit sa kasamang palad ay hindi na ito umabot pa.
Sa ngayon ay iniimbestigahan ng mga pulis ang totoong sanhi ng biglaang pagkamatay ng South Korean soprano singer.
Base sa education at career path ni Sang Eun, hilig talaga nito ang pagkanta.
Nagtapos siya ng high school sa Seoul Arts High School at nag-aral sa College of Music sa Seoul National University.
Ang kanya ring singing talent ang naging susi para makapasok sa Mannes College of Music sa New York, kung saan niya natapos ang kanyang master's degree.
Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s
