Pumanaw na ang Canadian content creator at rapper na si Claire Eileen Qi Hope, mas kilala sa screen name na Lil Tay, nitong Huwebes, August 10, 2023.
Siya ay 14 years old.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng statement na ibinahagi nila sa Instagram page ni Lil Tay kaninang umaga.
Sa nasabing pahayag, nakasaad na "sudden" at "tragic" ang pagpanaw ni Lil Tay, ngunit hindi binanggit kung ano mismo ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Mababasa sa statement ng kanyang pamilya, “It is with a heavy heart that we share the devastating news of our beloved Claire’s sudden and tragic passing.
"We have no words to express the unbearable loss and indescribable pain. This outcome was entirely unexpected, and has left us all in shock."
Nabanggit din ditong bukod kay Lil Tay ay pumanaw rin ang nakatatandang kapatid nitong si Jason Tian, 21, na nagpadagdag ng lungkot at pighati sa kanyang pamilya.
Saad sa post, "Her brother's passing adds an even more unimaginable depth of our grief."
Ayon pa sa post, kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkamatay ng magkapatid.
"During this time of immense sorrow, we kindly ask for privacy as we grieve this overwhelming loss, as the circumstances surrounding Claire and her brother’s passing are still under investigation.
"Claire will forever remain in our hearts, her absence leaving an irreplaceable void that will be felt by all who knew and loved her."
2018 nang unang nakilala si Lil Tay sa social media dahil sa rap videos niya habang ipinapakita ang marangya niyang buhay—pagkakaroon ng mamahaling sasakyan, bahay, at pera.
Dahil dito ay nabansagan siyang “youngest flexer of the century."
Noong ding 2018 ay nasangkot sa kontrobersiya ang pamilya ni Lil Tay matapos siyang lumantad sa publiko na sinasaktan umano siya ng kanyang ama at nais siyang kunin nito sa poder ng kanyang ina dahil sa isyu ng pera.
