PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

11 showbiz celebrities who died before they turned 22

They are gone too soon.
by Nica Jose
Published Aug 5, 2023
Photos of celebrities who died before turning 22. (From left to right) Pepsi Paloma, Christian Pasno, and Marky Cielo.
Gone too soon: (From left to right) Pepsi Paloma, Christian Pasno, and Marky Cielo.

Sa artikulong ito, babalikang-tanaw ang mga artistang napagkaitan ng pagkakataong makilala pa sa larangan ng pag-arte.

Some of them are very young, at umuusbong pa lamang ang kasikatan. Halimbawa na lang ay si JM Canlas, na isang dating child actor. Pumanaw siya noong on August 3, 2023, sa edad na 17.

Read: Former child actor JM Canlas, youngest brother of Elijah Canlas, dies at 17

Some are at the height of their career.

Pero sa isang iglap, iniwan nila ang maraming fans.

Narito ang mga showbiz celebrities na binawian ng buhay bago sila nag-22 years old.

Sa kabila ng kanilang maikling paglalakbay, ang kanilang mga alaala ay mananatiling buhay sa mga puso ng kanilang mga tagahanga.

Trigger warning: Suicide and mental health-related issues in some entries. If you know someone who has mental health concerns, you may call the crisis hotline of the National Center for Mental Health at 0917-899-USAP (8727) or (02) 7989-USAP (8727).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrei Sison

Andrei, born on October 9, 2005, and died in a car accident in Quezon City on March 24, 2023.

Siya ay 16 years old.

Kasama dapat siya sa ilulunsad na bagong batch ng artists under Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Mula sa kilalang Salvador clan sa showbiz si Andrei.

Ang ama niya ay si Alain Marco Savaldor, na anak ni Tess Salvador, na kapatid nina Mina Aragon, Leroy Salvador, Chona Sandoval, Alona Alegre, Ross Rival, at Phillip Salvador.

Pinsan niya sina Maja Salvador at Josh Aquino.

Sa mother side, lolo niya ang balladeer na si Marco Sison.

Read: Showbiz connection of late Sparkle artist Andrei Sison

andrei sison all-out sundays

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AJ Perez

Vehicular accident din ang ikinamatay ni AJ Perez, Antonello Joseph Sarte Perez in real life, noong April 17, 2011.

Read:

A Story of Gratitude: This boy now sees a clearer world, thanks to AJ Perez

(UPDATED) Star Magic talent AJ Perez, 18, is dead

Born on February 17, 1993, he was 18 years old at the time of his death at exactly 12:20 a.m. He was a member of Star Magic Batch 13.

According to reports, nagtamo ang aktor ng multiple head injuries dahil sa pagsalpok ng isang bus at isang truck sa lulan nilang van habang bumabaybay sa Moncada, Tarlac.

Noong panahong iyon ay isa si AJ sa mga ginu-groom na leading men sa Kapamilya network.

Noong 2010, nagbida sila ni Jessy Mendiola sa series na Sabel.

aj perez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Baby Sophie

Niña Sophia “Sophie” Gabrielle Corullo in real life and born in 2013, the six-year-old child actress died due to dengue on August 18, 2019.

She was brought to Ospital ng Makati days after wrapping up her appearance in an episode of Maalala Mo Kaya.

Isa sa mga notable moments niya sa showbiz ay nang lumahok siya noong 2018 sa It's Showtime segment na "Mini Me," kung saan nagpakilala siya bilang mini version ni Liza Soberano.

sophie corullo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Christian PasnO

Unang natunghayan ang talento ni Christian Pasno sa pag-awit sa The Voice Kids Season 2 noong 2015. He was given a three-chair turn.

Under the mentorship of Coach Bamboo, he reached semifinals in the singing competition.

Ipinanganak siya noong 2005, at binawian ng buhay noong May 14, 2018, sa isang motorcycle accident sa San Juan, Batangas.

Christian Pasno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Claudia Zobel

Ilang araw bago ang kanyang kaarawan noong February 27, 1984, at sa kasagsagan ng kanyang kasikatan as a sexy star ay namatay si Claudia Zobel sa isang car accident sa Makati City noong February 10.

She was 19 at the time.

Sumikat ang morena beauty na tubong Cebu nang ipagbawal ng Board of Censors (MTRCB ngayon) ang kanyang launching movie na Shame noong 1983.

Naging bida rin siya sa mga sexy films na Magdalena sa Buong Magdamag, Uhaw sa Pag-ibig, at Sinner or Saint na pawang ipinalabas noong 1984.

Read: Remembering Claudia Zobel, '80s sexy star

claudia zobel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Buencamino

"Deep depression" and eventually suicide by hanging ang sanhi ng kamatayan ng aktres na si Julia Buencamino, ang youngest daughter nina Nonie at Shamaine Buencamino.

Huli na nang makita ng pamilya niya ang poetry, diaries, at artworks na nagsilbing outlet ng dalaga para sa kanyang lihim na pinagdadaanan.

Ipinanganak si Julia noong December 5, 1999 ,at nasawi noong July 7, 2015. She was 15.

Isa ang Oh My G! sa mga naging daan upang makilala siya ng publiko.

Cast member siya noong ng show na pinagbidahan nina Manolo Pedrosa, Janella Salvador, at Mario Mortel.

Julia Buencamino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julie Vega

Ipinanganak si Julie Vega noong May 21, 1968, and was a few days shy of turning 17 noong pumanaw siya.

Julie's death on May 6, 1985, sa Quezon Institute Hospital made national news that lasted weeks.

Sikat na sikat ang dalaga noon dahil sa serye niyang Anna Liza, na umere sa GMA-7 mula February 4, 1980 hanggang May 10, 1985.

Noong una, hindi naging malinaw ang naging sanhi ng kamatayan ng aktres kaya naman nagkaroon ng mga haka-hakang baka dahil sa kulam at sapi ang tumupok sa apoy ng kasikatan ng dalaga.

Ang naging basehan ng mga Pilipino at the time ay ang huling pelikula ni Julie na Lovingly Yours Helen, The Movie (1984), kung saan siya gumanap ng role bilang isang demon-possessed person.

Tila coincidence ang naganap dahil pagkatapos ng shooting para sa pelikulang ito, siya namang biglang pagkakasakit niya.

Taliwas sa mga kuru-kuro ng mga tao noon, namatay siya sa sakit na Guillain-Barre syndrome, isang automimmune disorder kung saan ang isa sa pangunahing sintomas ang panghihina ng mga muscles. Consistent ito sa report noon na ang cause of death ni Julie ay pneumonia, isa sa mga common complications ng sakit na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ano ang tunay na ikinamatay ni Julie Vega?

julie vega

Marky Cielo

Marky was born on May 12, 1988. Nakilala siya dahil sa season 3 ng StarStruck, ang reality program ng GMA-7. He emerged as the Ultimate Survivor during this season.

Binawian ng buhay si Marky noong December 7, 2008.

Nadatnan siya ng kanyang ina at babaeng kapatid na walang malay sa sahig. Isinugod agad siya sa Antipolo Doctors Hospital, but was declared dead on arrival around 10 in the morning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

To this day, hindi klaro ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Pero isa sa mga tinitingnang posibleng sanhi ng pagkamatay ng binata ay acute hemorrhagic pancreatitis.

He was 20 at the time.

Read: (UPDATED) Young actor Marky Cielo, 20, dies

Bukod sa pag-arte, nakilala si Marky sa galing niya sa pagsayaw.

Kabilang sa mga notable projects niya ay ang Zaido: Pulis Pangkalawakan, kung saan gumanap siya bilang Zaido Green, Encantadia, Fantastikids, Bakekang, Asian Treasures, Boys Nxt Door, Kaputol ng Isang Awit, at Codename: Asero.

marky cielo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Miko Sotto

Nakilala si Miko Sotto, born on May 10, 1982, sa dating youth-oriented show ng GMA-7 na Click (1999).

Gumanap siya bilang Joey sa show, ka-love team ni Tricia Roman na gumanap bilang si Issa.

Aksidenteng pagkahulog mula sa ninth floor ng tinitirhang condo sa Mandaluyong City ang naging cause of death ng binata noong December 29, 2003.

Reports were released na multiple skill fractures ang ikinamatay ng aktor. He was 21 years old noong nangyari ito.

Si Miko ay anak nina Ali Sotto at Maru Sotto, na kapatid nina Tito at Vic Sotto.

Miko Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pepsi Paloma

Delia Dueñas Smith who became known by her screen name Pepsi Paloma was born on July 17, 1966.

Pepsi was 18 nang nagbigti ito at wakasan ang kanyang buhay nuong May 31, 1985, sa inuupahang apartment sa Iriga St., Sta. Mesa Heights, Quezon City.

Some people dubbed her suicide as "Stella Strada Syndrome."

Like Stella, kilala si Pepsi bilang isa sa mga sikat na sexy stars noong panahon niya.

And even three decades after her death ay nagti-trending pa rin ang sexy star.

Read: Pepsi Paloma, buhay pa rin sa alaala ng publiko 35 taon pagkatapos pumanaw

Pepsi Paloma

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Stella Strada

Ipinanganak si Stella Strada noong 1965. Kilala siya bilang si Suzette Bishop in real life.

Short-lived lang ang kanyang stint at kasikatan bilang sexy star under Seiko Films noong 1983-1984. Ilan sa mga pelikula kung saan siya nakita ay Kirot (1983), Puri (1984), at Kriminal (1984).

Pumanaw siya at age 21 noong December 28, 1984, sa kanyang inuupahang apartment ng sa Jose Abad Santos Street, San Juan.

Kasabay niyang nagbigti ang personal gay assistant niyang si Rene Mas.

Stella Strada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gone too soon: (From left to right) Pepsi Paloma, Christian Pasno, and Marky Cielo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results