Walong taon makalipas ang kontrobersiyal na pagsali nila sa Miss Universe 2015, muling nagkasama sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang kanyang first runner-up, si Miss Colombia Ariadna Gutierrez.
Nagkita ang dalawa sa Milan, Italy para sa Milan Fashion Week.
Noong Martes, Setyembre 26, 2023, magkasabay na nag-post sina Pia at Ariadna sa kanilang Instagram accounts ng mga larawan nilang may caption na “The reunion you’ve all been waiting for.”
Read: Pia Wurtzbach posts photos with Ariadna Gutierrez: “The reunion you’ve all been waiting for.”
View this post on Instagram
Ikinatuwa ito ng mga tagasubaybay ng mga dating beauty titleholder.
Sa kasaysayan ng Miss Universe, ang 64th edition ang pinakakontrobersiyal dahil nagkamali ang pageant host na si Steve Harvey sa deklarasyon ng nagwagi.
Ang pangalan ni Ariadna ang inanunsyo ni Steve na bagong Miss Universe 2015, pero si Pia ang tunay na nanalo at ang kinatawan ng Colombia ang first runner-up.
Nalito sa pagbasa ang American television host na agad na itinuwid ang kanyang pagkakamali.
Read: AWKWARD! The moment Pia Wurtzbach is announced as the REAL 2015 Miss Universe winner
Read: Miss Universe 2015 host Steve Harvey apologizes for "honest mistake" in announcing the winner
NOT ON GOOD TERMS?
Si Paulina Vega ng Colombia ang Miss Universe 2014, at siya ang koneksiyon noon sa pagitan nina Pia at Ariadna dahil siya ang parehong nagkorona sa dalawa bilang Miss Universe.
Napanood si Paulina sa telebisyon na tuwang-tuwa sa back-to-back victory nila ni Ariadna, pero panandalian lamang ito dahil mabilis na idineklara ni Harvey na si Pia ang Miss Universe 2015.
Nasaksihan sa telebisyon ng buong mundo ang pangyayari at pinuri nila si Paulina dahil sa pagdamay niya kay Ariadna sa kahihiyang inabot nito.
Walang nakapansing may kinikimkim na sama ng loob kay Paulina ang first runner-up ni Pia sa 64th Miss Universe dahil sa pakikiramay na ginawa niya.
Pero makaraan ang walong taon, ipinagtapat ni Ariada sa Se dice de mí, isang programa sa Caracol Television ng Colombia, noong Setyembre 17, na hindi maayos ang relasyon nila ni Paulina.
Sinabi ni Ariadna na matindi ang paghanga niya kay Paulina, pero matinding pagkadismaya ang kanyang naramdaman nang magkasama sila sa 64th Miss Universe noong 2015.
"I saw her as a reference. I admired her a lot.
"But it has happened to me many times in my life that when you admire someone on television or in a photo and an image is put together, then you meet it in person, and you see that it is not real.
"What a disappointment!" pahayag ni Ariadna tungkol sa kanyang kapwa beauty queen at kamag-anak.
Sa mga hindi nakakaalam, magpinsan sina Ariadna at Paulina.
Si Ariadna ang successor ni Paulina sa 80th Miss Colombia na ginanap noong November 17, 2014.

Kinoronahan ni Paulina si Ariadna bago siya sumali at nanalo sa 63rd edition ng Miss Universe na ginanap sa Florida, USA, noong January 25, 2015.
Muling nangyari ang pagsasalin ni Paulina ng korona kay Ariadna na naranasan na maging Miss Universe sa loob lamang ng ilang minuto kaya ito ang itinuturing na “shortest reign” sa kasaysayan ng naturang patimpalak.

Idinagdag ni Ariadna na bilang reigning Miss Universe si Paulina noon, umasa siyang makatatanggap ng payo at mga tip mula sa kanyang pinsan.
Labis ang pagkagulat ni Ariadna sa malamig na pakikitungo at trato sa kanya ni Paulina.
Pero, diumano, ang karanasang iyon ang nag-udyok para pagbutihin niya ang partisipasyon sa Miss Universe 2015.
Lahad ni Ariadna, "And it's happened to me with a lot of people. It wasn't the prettiest moment, but I didn't care.
"I had my goal and I think on the contrary that gave me more strength and more motivation.
"I thought, 'Well, I don't need the help you were going to give me, I can do it with what I have."
"Almost 8 years" na may puso at crying emoji ang komento ni Ariadna tungkol sa Paris reunion nila ni Pia.

Tila malabo pa ito ngayong mangyari sa kanila ni Paulina dahil lumawak na ang hindi nila pagkakaunawaan.
Unang nagsalita si Ariadna tungkol sa silent feud nila ni Paulina sa isang podcast interview noong 2020.
Binanggit ni Ariadna na siguradung-sigurado siya tungkol sa negative attitude sa kanya ni Paulina at hindi niya maunawaan ang dahilan o ang pinagmumulan.
"I've always known that she has me ringing, I don't know what's behind it, like, she's never liked me, even before I was at Miss Universe and I was Miss Sucre," pagtukoy ni Ariadna sa bayan sa Colombia na kanyang kinatawan sa 80th Miss Colombia.
"For me to stop following someone [on social networks] it is because I am annoyed by that person and I do not want to see her anymore because you are damaging my existence.
"But I have no problem with her, but I do know that she has it with me."
Hindi pa nagsasalita si Paulina tungkol sa mga pahayag ni Ariadna laban sa kanya. Pero matibay na ebidensiya ng kanilang hidwaan ang hindi nila pagsubaybay sa social media accounts ng isa’t isa.