PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral Boy's Fate Post-Gaza Attack

The boy has survived, but how is he?
by Bernie V. Franco
Published Nov 3, 2023
Palestinian boy
Last month, a video showing a Palestinian boy in shock went viral. He was reportedly sleeping when his house was bombed by an Israel air strike. A few weeks after, an update was released about the boy's identity.
PHOTO/S: TikTok and YouTube (Al Jazeera)

Naantig at nahabag ang marami sa nag-viral na video ng isang batang Palestinian na makikitang in a state of shock.

Kumalat sa social media ang video ng lalaking paslit noong Oktubre, ilang araw matapos mapaulat ang pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas sa Gaza sa Israel.

Nangyari ang paglusob ng Hamas sa Gaza noong October 7, 2023, at may kinalaman ito sa matagal nang panawagan ng Palestine na mabawi ang teritoryong nararapat daw para sa kanila.

Pero sa giyerang nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas, milyun-milyong sibilyang Palestinians ang naiipit, nagdurusa, at napapaslang, kabilang ang mga inosenteng bata.

Read:

VIRAL VIDEO OF THE KID

Sa viral video ng lalaking paslit, dinala ito sa isang makeshift hospital. Punung-puno siya ng alikabok.

Nanlalaki ang mga mata nito, nanginginig ang buong katawan, nakakausap ito pero tila tulala. Mga sintomas ito ng pagka-shock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May translation sa English ang pag-uusap ng doktor at batang paslit.

Kinumpirma ng paslit na natutulog siya nang mangyari ang pagbomba sa kanilang bahay dahil sa Israeli air strike.

Makikitang pinipigilan ng bata ang maiyak, pero nangangatog ang buong katawan nito.

Nang halikan at yakapin ito ng doktor, bumuhos na ang mga luha ng paslit. Inilabas ang takot sa kanyang dibdib dulot ng pangyayaring hindi niya maintindihan.

boy crying

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa inilabas na video ng Al Jazeera noong October 22, ipinakita ang update sa bata—na kinilalang si Muhammad Abu Louli.

Sa panibagong video, sinasabihan ang bata na magpasalamat sa lahat ng mga nangungumusta sa kanya matapos nitong mag-viral.

Normal na ang pagsasalita ng bata. Wala na ang sintomas na shock ito. Makulit siya at bibo.

“I am alright,” saad niya sa kanyang wika.

boy waving

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumakaway ang batang si Muhammad na ngayon ay nanunuluyan sa UN School sa Gaza kasama ang pamilya at 580,000 pang Palestinians na nawalan ng tahanan dahil sa giyera.

Dahil napulbos ang kanilang bahay, tumutuloy si Muhammad at ang kanyang pamilya sa UN School sa Gaza, kasama ang iba pang 580,000 Palestinians.

Tinatayang 1.4 milyong katao ang na-displace dahil sa sunud-sunod na Israeli air strike.

ONE PALESTINIAN CHILD DIES EVERY 15 MINS OF AIR STRIKE IN GAZA

Sa website ng Defense for Children International-Palestine, sinabi nitong as of October 16, may 1,000 Palestinian children na ang namamatay mula noong October 7.

Ang mga batang nakaligtas naman ay nagdurusa dahil sa pisikal, mental, at emosyonal trauma dulot ng tuluy-tuloy na pag-atake ng Israeli forces.

Ayon sa website, tinatayang isang Palestinian child ang namamatay kada 15 minutes sa tuwing may opensibang ginagawa ang Israeli military forces sa Gaza Strip.

"The repercussions of this war will not only affect the victims we have lost, some of which are still trapped under the rubble of their homes, and not only the residential areas that have been completely destroyed, including our own homes, but the psychological impact on us civilians and our children will be catastrophic,” ani Mohammad Abu Rukbeh, senior Gaza field researcher sa DCIP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman sa survivors, nahaharap sila araw-araw sa humanitarian crisis, pati na rin mental at emotional traumas.

As of October 27, ini-report ng Gaza-based Ministry of Health na 7,028 Palestinians na ang nasasawi, na kinabibilangan ng 2,913 menor de edad.

Masaya mang balita na nanumbalik ang pagiging masigla ng batang si Muhammad Abu Louli matapos pasabugin ang kanilang tahanan habang sila ay natutulog.

Pero ang nakalulungkot, isa lamang si Muhammad sa libu-libong Palestinian children na biktima ng patuloy na sumisiklab na giyera ng Israeli forces at Hamas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last month, a video showing a Palestinian boy in shock went viral. He was reportedly sleeping when his house was bombed by an Israel air strike. A few weeks after, an update was released about the boy's identity.
PHOTO/S: TikTok and YouTube (Al Jazeera)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results