Pumanaw na ang South Korean singer-songwriter na si Nahee o Lim Na Hee sa totoong buhay.
Siya ay 24 years old.
Ayon sa ulat ng South Korean entertainment portal na Soompi, binawian ng buhay si Nahee noong November 8, 2023.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa isinasapubliko ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ang biglaang pagpanaw ng Korean idol ay ikinagulat at ikinalungkot ng malalapit niyang kaibigan, kasamahan sa trabaho, at fans.
Marami rin ang nanghinayang lalo na't kasagsagan ng karera ni Nahee bilang singer-songwriter bago ang kanyang pagpanaw.
Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s
Unang nakilala si Nahee nang mag-debut siya sa pamamagitan ng single niyang “Blue City” noong 2019.
Simula nito nagtuluy-tuloy na ang pamamayagpag niya sa pagsusulat ng kanta.
Noong July, nag-release siya ng single na pinamagatang "Rose," na aniya'y alay niya sa kanyang mga tagahanga.
"I always think of my songs as flowers. With this particular one, I want to narrate a heartfelt story to all those who adore these floral melodies of mine," saad noon ni Nahee.
Bukod sa pagkanta, isa ring vlogger si Nahee na may 2.11K subscribers sa YouTube dahil sa kanyang mga cover song video.
Ang nga labi ni Nahee ay nasa Central Funeral Hall sa Pyeongtaek, Gyeonggi Province.
