Hiwalay na ang South Korean stars na sina Hyeri, 29, at Ryu Jun Yeol, 37, matapos ang anim na taon nilang pagiging magkasintahan.
Sa K-drama series na Reply 1988, gumanap sila bilang Sung Duk Sun (Hyeri) at Kim Jung Hwan (Jun Yeol). Umere ito mula November 2015 hangang January 2016.
Ang Creative Group ING, ang kinabibilangang talent agency ni Hyeri, at C-JeS Studios naman ni Jun Yeol, ang nagkumpirma sa publiko matapos lumabas ang ulat ng News1 na hiwalay na ang dalawa.
“It is true that they broke up," pagpapatotoo ng kanilang talent agencies, ayon sa ulat ng South Korean portal na Soompi.com nitong Lunes, November 13, 2023.
Maliban dito, hindi na nagbigay ng iba pang impormasyon—like, kung kailan mismo nagwakas ang relasyon nina Hyeri at Jun Yeol at kung ano ang dahilan.
August 2017 nang isapubliko ng dalawa ang espesyal nilang relasyon, dalawang taon matapos ang pagsasama nila sa kanilang hit K-drama series.
Bago maging aktres, nag-debut muna si Hyeri bilang miyembro ng K-pop girl group na Girl's Day noong 2010.
Si Jun Yeol naman ay nakilala sa mga pelikulang Socialphobia (2015), A Taxi Driver (2017) at The Night Owl (2022).
Read: BLACKPINK's Jisoo, actor Ahn Bo Hyun confirm breakup
