Lumabas na ang autopsy report ng Friends star na si Matthew Perry, matapos itong bawian ng buhay noong October 28, 2023, sa edad na 54.
Natagpuang wala nang buhay si Matthew sa jacuzzi ng kanya mismong tahanan sa Los Angeles, California.
Ayon sa inisyal na resulta ng imbestigasyon noon, pagkalunod ang dahilan ng pagpanaw ng American-Canadian actor.
Read: Friends star Matthew Perry dies at 54
Hanggang nitong Biyernes, December 15, 2023, inilabas na ng Los Angeles Medical Examiner's Office ang resulta ng isinagawang autopsy kay Matthew.
Dito napag-alamang si Matthew ay nagkaroon ng "acute effects of ketamine," dahilan upang ito ay mawalan ng malay habang nasa jacuzzi, na naging sanhi ng pagkalunod nito.
Ang ketamine, ayon sa US Drug Enforcement Administration, ay isang dissociative sedative na ginagamit bilang anesthethic, pampakalma, o pampamanhid bago ang operasyon sa ilang mga medical procedures.
Sa kaso ni Matthew, hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung kailan at paano nag-take ang aktor ng nasabing kemikal.
Read: 'Friends' stars mourn passing of Matthew Perry: "We were more than just cast mates. We are family."
Bagama't bukas naman sa publiko si Matthew na dati siyang naging alcohol at drug-dependent, naiulat namang sober at huminto na siya sa paggamit nang 19 consecutive months bago ang kanyang pagkamatay.
"At the high levels of ketamine found in his postmortem blood specimens, the main lethal effects would be from both cardiovascular overstimulation and respiratory depression.
"Drowning contributes due to the likelihood of submersion into the pool as he lapsed into unconsciousness," ayon sa statement ng Los Angeles Medical Examiner's Office na nailathala sa Yahoo! Entertainment.
Nakilala nang husto si Matthew nang gumanap siya bilang si Chandler Bing, isa sa main characters ng sitcom na Friends na napanood sa American TV network na NBC mula September 22, 1994 hanggang May 6, 2004.
Bukod pa rito ang mga pelikulang Fools Rush In, The Whole Nine Yards, at 17 Again na pinagbidahan din niya noon.
Read: In remembrance: Sad reason why Matthew Perry broke up with Julia Roberts
