Sa halip na saya, stress ang inabot ng lola at ng kanyang six-year-old grandson dahil mali ang nasakyang eroplano ng bata.
First time lumipad mag-isa ni Casper noong December 21, 2023, para makasama sana sa Pasko ang kanyang lola.
Mula Philadelphia, U.S.A., sumakay ng Spirit Airlines si Casper papunta dapat sa Southwest Florida International Airport sa Fort Myers.
Doon ay sasalubungin ang bata ng kanyang lolang si Maria Ramos, ayon sa ulat ng WINK News sa Florida, USA.
Paglapag ng eroplano, nagtaka si Maria kung bakit hindi niya makita ang apo.
“I ran inside the plane to the flight attendant, and I asked her, ‘Where’s my grandson? He was handed over to you at Philadelphia.’ She said, ‘No, I had no kids with me,’” kuwento ni Maria sa interview.
Pero kinontra ni Maria ang airline staff.
“They told me, ‘No, he’s not on this flight. He missed his flight.’ I said, ‘No, he could not miss his flight because I have the check-in tag.'”
Yun pala, ibang eroplano ang nasakyan ng bata, at napadpad ito sa Orlando, Florida, na four-hour drive mula sa southwest Florida, kung nasaan si Maria.
Read:
- Japanese determined to kill cockroach with insecticide blows up own apartment
- Woman gets brand-new car, thanks to undamaged tumbler inside her burnt car
Hindi nagtagal ay nakatanggap ng tawag si Maria mula sa kay Casper na, at that time, ay nakalabas na ng eroplano.
“I’m here, I land[ed]. I’m in the airport.”
Sinabihan daw ni Maria ang apo na ipakausap siya sa isang adult, pero sinabi ni Casper na wala siyang kasamang airline staff.
Samantala, ang bagahe ni Casper ay nakarating sa Southwest Florida, at may tag na RWS, ang airport code ng Southwest Florida International Airport.
Hindi raw lubos maisip ni Maria ang nangyari sa kanyang apo.
Agad tumungo ang lola papuntang Orlando para masundo roon si Casper. Apat na oras ang biyahe.

Bagamat maling eroplano nasakyan ng batang si Casper, naisakay sa tamang eroplano ang kanyang luggage na may destination na RWS o Southwest Florida Airport.

Sabi ng ni Maria Ramos, nang masundo ang apong si Casper ay suot pa rin niya ang airport badge na RWS na siyang indicator ng kanyang destination. Pero naisakay ang bata sa maling eroplano.
Nang sinundo ni Lola Maria ang kanyang apo, suot pa nito ang destination badge na RWS.
Ibig sabihin, inilagay na airline ang bata sa maling flight kahit nasa ID nito ang kanyang destination.
Sinabi ni Maria na nag-offer ang airline na i-reimburse ang kanyang travel expenses para masundo sa apo, pero tinanggihan niya ito.
Nais daw niya ng paliwanag mula sa airline.
Gusto niyang malaman kung naging iresponsable ba ang airline staff kahit may dokumentong taglay ang bata.
Sa letter ni Michael Lopardi, Spirit Airlines media relations manager, sinabi nitong, "[Casper] was incorrectly boarded on a flight to Orlando,” bagamat binanggit na “the child was always under the care and supervision of a Spirit Team Member.”
Sa isang update, tinanggal na ng Spirit Airlines ang gate agent na naging dahilan para masakay sa maling flight ang batang si Casper.
Read: Airline fires gate agent who put lone 6-year-old boy on wrong flight
