Tinanggal ng Spirit Airlines sa trabaho ang gate agent na hinayaang bumiyahe ang isang six-year-old boy sa maling flight noong nakaraang linggo.
Nag-iisang bumibiyahe ang bata.
Naging laman ng foreign news outlets ang sinapit ng batang si Casper noong December 21, 2023.
Mula Philadelphia, papunta dapat siya sa Fort Myers, Florida, para makasama ang kanyang lola sa Pasko.
Pero dahil sa maling eroplano ang nasakyan, ang bata ay nag-land sa ibang airport, na 241 kilometers ang layo mula sa kinaroroonan ng kanyang lola.
Read: 6-year-old boy flying alone to Florida, USA, takes the wrong flight
Sabi ng airline (published as is): "This agent is no longer working with Spirit, and any individual whose actions resulted in the incorrect boarding will be held accountable for failing to follow our procedures.
"We are also reiterating our procedures to the team, and we are in communication with the child’s family about this matter."
Dahil sa maling flight naisakay ng airport personnel si Casper, napadpad ito sa Orlando International Airport, sa halip na sa Southwest International Airport sa Fort Myers, Florida.
paano nalamang nawawala ang bata?
Ang lola ni Casper na si Maria Ramos ang humingi ng paliwanag mula sa airline company.
Tama kasi ang check-in details ng bata, pero sa maling eroplano ito naisakay.
Ang isa pang ikinagulat ni Maria, nung lumapag ang eroplano ni Casper at tumawag ito, nalaman niya na walang airline personnel na nag-assist sa batang paslit na bumiyahe mag-isa.
Read: Japan Airlines cabin crew praised for "flawless" evacuation of 379 passengers from burning plane
Si Maria Ramos (main photo) at ang kanyang apong si Casper na sa maling flight ipinasok ng airport gate agent.
Nang malaman ang kinaroroonan ng apo, agad sinundo ni Maria si Casper sa Orlando International Airport na four-hour drive mula sa Southwest International Airport.
Ibig sabihin, walong oras ang ginugol ni Maria para masundo si Casper at makauwi sa Fort Myers.
Matagal ding nag-antay sa airport ang bata.
airline's resolution
At that time, nag-offer ang airline na sagutin ang ginastos ni Maria sa pagsundo sa apo, pero ang gusto ng lola ay may managot sa nangyari.
Sa unang official statement ang Spirit Airlines, sinabi nitong ang bata “was incorrectly boarded on a flight to Orlando,” bagamat binanggit na “the child was always under the care and supervision of a Spirit Team Member.”
Sinabi rin nitong iimbestigahan ng kumpanya ang pangyayari.
Bagamat sa maling destination nakarating ang bata, nakarating naman sa tamang destinasyon ang kanyang baggage.
