Another senior citizen is one step closer to achieving the dream of becoming a Miss Universe contestant.
Isang 72-year-old Argentinean woman ang isa sa official candidates ng regional pageant sa Argentina.
Siya si Iris Amelia Alioto, isang dance teacher, actress, translator, at model.
Official candidate siya sa 2024 Miss Universe Argentina- Buenos Aires.
Sakaling si Iris ay manalo, magiging opisyal na kandidata siya sa national pageant ng Argentina na Miss Universe Argentina 2024.
Lumilikha siya ngayon ng ingay sa international pageant industry at naging laman siya ng pageant vlogs.
Read: VIP lounge for OFWs in NAIA Terminal 1 now open

Matatandaang sa Pilipinas ay lumikha rin ng ingay ang Miss Universe Philippines-Quezon City 2024 candidate na si Jocelyn Cubales, isang 69-year-old fashion designer na may dalawang apo.
At tulad ni Jocelyn, umaani rin ng magkahalong reaskiyon si Iris.
September 2023 nang ianunsiyo ng Miss Universe organization (MUO) na tinatanggal na nito ang age limit sa mga kandidata.
Read: Miss Universe scraps age restrictions; women of all ages can now join the prestigious pageant
Matatandaang nauna nang pinayagan ng MUO ang pagsali ng mga transgender women.
Pero ang mga panibagong direktibang ito ay umaani pa rin ng mixed reactions mula sa pageant fans at netizens.
Bagama’t ang layunin ay ang magkaroon ng inclusivity, may mga conservatives na tutol sa mga pagbabagong ito.
Read: Miss Universe 2023 candidates challenging outdated standards for beauty queens
NETIZENS MIXED REACTIONS
Kasunod ng balitang pagsali ni Iris sa regional pageant ng Argentina, nagsulputan na naman ang maraming komento ng netizens.
Sabi ng isang kritiko, nagmistulang isa nang “circus” ang Miss Universe pageant kasunod ng mga pagbabago pagdating sa requirements sa mga kandidata.

Komento ng isa pa, isang malaking “joke” na raw ang pinakamalaking pageant.
“This INCLUSIVITY ideology is ruining everything,” dagdag pa nito.
Sarkastikong komento ng isa pa, sana raw ay dumating ang araw na pati mga pets ay payagan nang sumali sa Miss Universe, “because every creature deserves to be Miss Universe as long as the pets identify as human…”
May nagsabi ring makaka-keep up pa raw ba ang isang senior citizen sakaling manalo?

May mga nagtanggol naman sa mga katulad ni Iris na may “freedom” siyang i-represent ang sarili.
“Winning is another thing, but do not limit others just because they do not meet your requirements,” sundot nito.
May mga sumang-ayon sa komentong ito.
Sabi naman ng isa pang supporter, ang isyu rito ay, "why does it bother you?”


