Normal sa mag-asawa ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ang importante ay hindi ito pinapatagal at hindi umaabot sa hiwalayan.
Pero sa Japan, mayroong mag-asawang hindi nag-usap sa loob ng dalawang dekada, tumira sa iisang bubong, at nagkaroon ng tatlong anak.
At nalaman lamang ang dahilan nang lumaki na ang mga anak at sila ay namagitan sa mahabang panahon na tampuhan ng kanilang mga magulang.
Naitampok ang kuwento ng Japanese na si Otou Katayama at misis na si Yumi sa Hokkaido Television, isang Japanese TV station, noong katapusan ng 2016, at na-pick up ito ng mga websites noong 2017.
Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, ibinahagi noon ng kanilang anak, ang 18-anyos na binatang si Yoshiki, ang kuwento ng kanyang mga magulang sa Hokkaido Television para pag-ayusin sila.
Ani Yoshiki, never daw niyang narinig na nag-usap ang dalawa mula pagkabata.
Kapag kinakausap daw ng kanyang inang si Yumi ang asawang si Katayama, tatango lamang ang huli.
Magreretiro na kasi noon ang ama ni at nag-aalala siya na baka ang tampuhan sa pagitan ng mga magulang ay mauwi sa diborsiyo.
Ramdam ni Yushiki at dalawa pa niyang kapatid na babae na may problema ang kanilang mga magulang, pero hindi nila alam ang puno’t dulo nito.
Naintriga naman ang TV producers sa malamig na pakikitungo ni Katayama sa kanyang maybahay kaya itinampok nila ito.
Read: How much it costs to dine at Louis Vuitton's newest Thailand resto
THE HUSBAND’S REVELATION
Makikita sa video na isinet-up ang mag-asawang sina Katayama at Yumi na umupo sa Nara Park, isang kilalang public park sa southern Japan.
Kinukunan sila ng hidden camera habang nagtatago ang kanilang tatlong anak at ang TV producer, na nakikinig sa usapan ng dalawa.
Mapapanood pa ang video na ito sa YouTube.
Narito ang translation ng kanilang pag-uusap.
Maririnig na ang unang nagsalita ay si Katayama.
“Somehow… It’s been quite a while since the two of us have talked."
Sumang-ayon naman ang kanyang misis.
Dito rin naglabas ng saloobin si Katayama, “You were so concerned about the kids…
“Yumi, up until now, you have endured a lot of hardship…”
Makikita namang nagsisimulang umiyak ang dalawang anak na babae na nakikinig sa kanilang kinatataguan.
Nagtampo pala ang kanilang ama dahil sila ang tinutukan ng kanilang ina habang lumalaki.


Top photo: The three children of Otou Katayama and the TV producer hiding behind a tree, while Katayama and wife Yumi were having a conversation about their zero communication for two decades.
Bottom photo: Katayama's daughter getting emotional after seeing their parents talk.
Read:
- College student chooses to travel by plane to school over renting a place near campus
- Japan’s 1,000-year-old Naked Man Festival held for the last time due to lack of younger males
Pagpapatuloy ni Katayama, “I want you to know, I’m grateful for everything.”
Sumagot naman si Yumi, “I’m also very grateful.”
Sabi ng lalaki, “I also want to talk after this. I hope we can work together from here.”
Sagot ng kanyang misis, “I hope so too. Thank you."
Sa inilabas na statistics ng independent online research na Statista.com, lumabas sa July 2022 survey among Japanese couples na 37 percent ng respondents ay nagsabing “they sometimes discuss problems and concerns with their spouses.”
Lumabas din sa survey na siyam na porsiyento sa married couple ang hindi pinag-uusapan ang kanilang mga isyu at problema.
