Isang Japanese tradition—na mahigit isang libong taon na ang tanda—ang nagbabadyang maglaho.
Ito ay ang Somin-sai festival o Naked Man Festival, isang pagtitipon sa Kokusekiji Temple sa northeastern region ng Iwate ng mga Japanese males na walang ibang saplot kundi puting bahag at medyas.
Magre-wrestling sila para masungkit ang isang talisman, na isang lalagyang sumisimbolo ng kayamanan.
Nangyari ulit ito nito lamang February 17, 2024, pero ito na pala ang huli.
Ang dahilan: Wala na kasing ma-recruit na mga kabataang Japanese males na papalit sana sa mga tumatandang deboto na kasali sa tradisyon.
Read: Controversial 'Miss Japan' 2024 dates married man; gives up crown

(This naked-man festival tradition has held for the last time after more than a thousand years.)
Challenging na raw kasi ang mga activities para sa older generation.
Pero ayon sa ulat ng CNN, sinabi ng organizers ng festival through an online post na hindi sapat ang bilang ng nakumbinsi nilang young Japanese males.
“This decision is due to the aging of individuals involved in the festival and a shortage of successors,” saad sa shrine website ni Daigo Fujinami, chief priest ng Kokusekiji Temple.
Ang problemang ito ay patunay na patuloy ang pagbaba ng populasyon ng Japan.
Ang fertility rate sa bansa ay 1.3, na masyadong mababa kumpara sa required na 2.1 rate para masabing stable ang population.
Sa nakalipas na dekada, mas marami ang namamatay kesa sa mga isinisilang—at isa itong malaking suliranin para sa mga lider ng bansa na itinuturing na world’s fourth-largest economy.
Dahil patuloy na umaakyat ang elderly population sa Japan, patuloy ding nababawasan ang work force, at nagiging hamon ito para ma-sustain ang pension at health care.
Read:
- Two Pinoy OFWs dragged in murder of Japanese couple in Tokyo
- Princess Aiko of Japan to work as contractual employee in Red Cross
japan's SOMIN-SAI FESTIVAL
Ang Somin-sai festival ay isa sa tatlong major Naked Man Festivals o Hadaka Matsuri festivals na ginagawa sa Japan.
Isinasagawa tuwing ikapitong araw ng Lunar New Year, isa itong popular tourist attraction tungkol sa ritwal ng mga locals na naghahangad ng masaganang taon.
