Maraming nakatagong yaman sa ilalim ng lupa, at ilan lamang sa mga ito ang aksidenteng nahuhukay.
Tulad na lamang ng ulo ng estatwang babae na gawa sa marble na natagpuan ng isang construction worker.
Ang artifact ay pinaniniwalaang 1,800 years old na at mula sa Roman empire noong first o second century.
Ang nakapagtataka, nakita ang Roman statue na nakabaon sa lupa sa Burghley House, isang 16th century residence sa Lincolnshire, England.
Dati itong tirahan ni William Cecil, nagsilbing treasurer at principal adviser ni Queen Elizabeth I.
Ang bahay ngayon ay pinangangalagaan at ginagawang art gallery para sa publiko.
Read: Filipino couple drowns in Australia while fishing; leaves behind 13-year-old daughter
CONSTRUCTION WORKER FINDS THE MARBLE
Noong 2023, minamaneho ng construction worker na si Greg Crawley ang excavator habang nililinis ang isang bahagi ng Burghley House para gawing parking area.
Sa pag-aangat ng lupa, may napansin siyang pale object. Nagulat siya nang makita niya na isa itong ulo ng female statue.
“I had a real shock as the digger bucket rolled over what I thought was a big stone to reveal a face. When I picked it up, I realised it was a head of a statue,” ani Greg sa website ng Burghley House nitong March 5, 2024.
“I couldn’t believe it when they told me it was a Roman marble statue.
“It was an amazing feeling to have found something so old and special—definitely my best ever discovery.”
Makalipas ang dalawang linggo, nahukay naman ang bust o balikat ng statue.
Nilinis ng art experts ang dalawang artifacts at pinagdugtong.


Read: College student chooses to travel by plane to school over renting a place near campus
Ayon sa experts, marahil kasama ang artifact na ito sa mga biniling antigo ng Cecil sa Italy noong 1760, at inuwi sa Burghley.
Pero palaisipan sa kanila kung paano nabaon ang artifact sa lupa.
Ang teorya nila, maaaring ninakaw ito o kaya ay itinapon at nabaon sa lupa.
Nagbukas muli ang Burghley House nitong March 16 para sa 2024 season, at isa sa mga makikitang display ay ang marble artifact.

