PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jung Joon Young released after five-year prison sentence

Jung Joon Young was convicted of rape.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 20, 2024
Jung Joon Young acquitted from 5-year rape sentence
Former singer Jung Joon Young, convicted of rape and filming and distributing multiple sex videos taped without consent, has been released after serving a five-year prison sentence.
PHOTO/S: Asia One

Trigger Warning: rape

Nakalaya na ang South Korean singer na si Jung Joon Young, 35, pagkatapos ng limang taong pagkakakulong.

Nitong umaga ng Martes, March 19, 2024, nakalabas si Jung Joon Young sa Mokpo Prison sa South Jeolla Province.

Si Jung Joon Young ay nasentensiyahan noong November 2019 nang mapatunayan ng Seoul Central District Court na guilty siya sa kasong aggravated rape.

Isa siya sa limang lalaking nang-gang rape sa isang babaeng walang malay.

Batay sa nakalap noong court documents, lumabas na nangyari ang panggagahasa noon pang 2016.

Dito napag-alamang nawalan ng malay ang biktima dahil sa sobrang kalasingan, matapos makipag-inuman sa limang akusado, kabilang na rito si Jung Joon Young.

Lumabas din sa imbestigasyon na kinuhanan pa ng video ni Jung Joon Young ang pakikipagtalik niya sa unang biktima, bukod pa rito ang pagmomolesya sa iba pang kababaihan.

Read: K-pop stars Jung Joon Young, Choi Jong Hoon get jail time for rape

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat ng BBC (British Broadcasting Corporation) noong November 29, 2019, napatunayan ni Judge Kang Sung Soo ng Seoul Central District Court na ilang babae na “drunk and unable to resist” ang ginahasa ni Jung Joon Young, “filmed them nude and having sex, then spread it on a group chat.”

Nabunyag ang sex scandal habang nagsasagawa ang pulisya ng hiwalay na imbestigasyon laban sa K-pop star at Big Bang member na si Seungri.

Akusado si Seungri sa pagsu-supply ng prostitutes sa potential investors ng kanyang mga negosyo.

Dito ay tinukoy si Seungri bilang miyembro ng secret chat group ni Jung Joon Young.

Bukod kay Jung Joon Young, guilty rin sa parehong kaso ang dating FT Island member na si Choi Jong Hoon na nauna nang nakalaya noong 2021 matapos nitong makulong ng dalawa at kalahating taon.

Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Jung Joon Young ay unang nakilala nang sumali siya sa reality search na Superstar K4, noong 2012, kung saan naging third place siya.

Pagkatapos nito ay inilunsad siya bilang solo singer hanggang sa maging lead singer siya ng bandang Drug Restaurant noong 2015.

Mas nakilala siya bilang miyembro ng hit reality show na 2 Days 1 Night noong 2013.

HAN SO HEE

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former singer Jung Joon Young, convicted of rape and filming and distributing multiple sex videos taped without consent, has been released after serving a five-year prison sentence.
PHOTO/S: Asia One
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results