Ang Pinay na si Melody Felicano Johnson, 40, ay nag-plead ng guilty sa Pima County Superior Court sa two counts of adding poison or harmful substance to food or drink, ayon
Ito ay ayon sa ulat ng CNN nitong April 10, 2024.
Sa kaso niya, naghahalo siya ng bleach sa iniinom na kape ng kanyang American husband na si Roby Johnson sa loob ng maraming buwan.
Ang bleach ay kemikal na karaniwang ginagamit sa paglalaba at paglilinis.
Read: Some restaurants in NYC employ cashiers from PH virtually via Zoom
Ang bawat count ay may maximum punishment na two years in prison, kaya’t maaaring makulong si Melody for a maximum of four years.
Babasahan siya ng sentensiya sa darating na May 10, 2024.

The suspect caught on CCTV while allegedly putting bleach in her husband's coffee.
Read: Man destroys antique religious images inside church in Negros Occidental
PLEADED NOT GUILTY IN 2023
Unang kinasuhan ng attempted first-degree murder si Melody noong August 2023, nang ireklamo siya ni Roby, na miyembro ng US Air Force.
Subalit naglabas noon si Melody ng not guilty plea.
Sabi ng mga abogado ni Roby, naniniwala ang complainant na “she was trying to kill him to collect death benefits."
Sinabi rin ng complainant na tumagal ng maraming buwan ang paghahalo ng bleach ng sa kanyang inuming kape.
Una raw napansin ni Roby ang di kanais-nais na lasa sa kanyang kape noong March 2023.
Nakadestino siya noon sa Germany bilang airman, at kasama niya ang asawa at ang kanilang anak.
Noong mga panahong iyon ay magkasama pa sa iisang bubong ang mag-asawa, pero tumatakbo na ang proseso ng kanilang divorce.
Nadiskubre naman ni Roby na tama ang kanyang hinala nang gumamit siya ng pool testing strips sa kapeng tinitimpla ni Melody.
Ang resulta: The coffee pot “showed high levels of chlorine”.
Nag-install din ng hidden cameras si Roby at natuklasang nagsasalin ng bleach sa isang lalagyan si Melody at pagkatapos ay ililipat niya ito sa kanilang coffee maker.
Ayon pa sa imbestigasyon, nagpanggap si Roby na iniinom niya ang kape habang naghihintay na madestino at makabalik sa U.S. para makapagsumite ng police report.
Nang unang napaulat ang kaso, binanggit na may bond kay Melody na $250,000.
Sinabi ng prosecutors na “necessary” ang high bond sa suspect dahil bumili ito sa Pilipinas ng bahay at itinuturing siyang flight risk.
