Trigger Warning: This content contains information about suicide.
Lumabas na ang resulta ng autopsy na isinagawa sa bangkay ng South Korean singer na si Park Bo Ram.
Sumakabilang buhay si Park Bo Ram noong gabi ng April 11, 2024. Siya ay 30.
Biglaan ang pagkamatay ni Park Bo Ram na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga.
Read: Korean singer Park Bo Ram dies at 30
Sa inilabas na ulat ng Allkpop, noong April 12, nasa private gathering si Park Bo Ram kasama ang dalawa niyang kaibigan nang mangyari ang insidente.
Pasado 9: 55 ng gabi nang mapaalam daw magbanyo si Park Bo Ram. Ilang minuto na raw ang nakalipas ay hindi pa bumabalik ang Korean singer kaya nagdesisyon ang isa sa kanyang kaibigan na tingnan at itsek siya.
Dito na raw naabutan ang singer na walang malay habang nakayuko sa inidoro.
Mabilis naman daw siyang nilapatan ng CPR (cardiopulmonary resuscitation) nang kanyang mga kasama bago pa siya naisugod sa pinakamalapit na ospital.
Maraming impormasyon ang naglabasan sa dahilan ng pagkamatay ni Park Bo Ram, kabilang na rito ang diumano'y nag-suicide siya.
Read: In Korean Celebrity Suicides, the Spotlight Shines on the Country's Institutionalized Tragedy
Mabilis itong pinabulaanan ng kinabibilangang talent agency ni Park Bo Ram na XANADU Entertainment.
Nitong Lunes, April 15, isapubliko nila ang isinagawang autopsy result sa katawan ng Korean singer. Dito napag-alamang walang foul play at hindi homicide o suicide ang dahilan ng pagkamatay ni Park Bo Ram.
Mababasa sa official statement ng XANADU Entertainment (ayon sa English translation ng Soompi.com), "An autopsy was performed this morning (April 15) to confirm the cause of death of the late artist Park Bo Ram.
"The autopsy showed no signs of homicide or suicide, and the exact results will be delivered to the bereaved family at a later date."
Kalakip nito ang pakiusap ng ahensiya sa publiko na tigilan ang pagpapakalat ng maling impormasyon na may kaugnayan sa pagkamatay ng singer para na rin daw sa pagluluksa ng mga naiwang pamilya nito.
Saad nila, "We sincerely pray for the soul of the deceased who unfortunately passed away, and we request that you refrain from circulating rumors and speculative reports so that the bereaved family can properly send off the deceased on her last journey.
"We would appreciate it if you could pray for the late Park Bo Ram, who never let go of her passion for music and nurtured her dream, so that she can rest comfortably in a warm place."
Sa April 17, nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Park Bo Ram sa Seoul Memorial Park.
Related Stories:
