PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Baby dangling from roof of second-floor unit

Netizens ask how in the world the baby got on the roof?
by Bernie V. Franco
Published May 2, 2024
Baby dangling on second floor
A viral video shows a seven-month-old baby dangling from the roof of an apartment unit on the second floor.
PHOTO/S: Newsflare.com

Makapigil-hiningang eksena ang nilalaman ng isang video na nagpapakita ng pagsaklolo ng mga magkakapit-bahay sa isang sanggol, na nasa bubong ng second floor.

Viral ang two-minute video na nakunan sa Chennai, isang southern city sa India.

Ang sanggol ay babae at seven months old. Makikitang nakalawit ang kanyang mga paa, at kung dudulas siya pababa ay tiyak na mahuhulog siya.

Read: Cartier commits price typo; lists PHP800K earrings for only PHP800

Sa ground floor naman, nagkaisa ang higit isang dosenang lalaki na hinawakan ang gilid ng kumot bilang pansalo sakaling malaglag ang sanggol mula sa second floor.

Makikita naman na nagkakandarapa ang tinatayang limang kalalakihan sa loob ng unit at balcony ng second floor apartment unit para abutin ang batang nanganganib malaglag.

Dinig naman ang pagsigaw ng ilang kababaihan na tila nagbibigay ng instruction sa mga lalaking pilit inaabot ang sanggol.

Kung pakikinggang mabuti ang video ay dinig din ang pag-iyak ng sanggol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang ilang rescue attempts, nagawang tumuntong ng isang lalaki sa railing sa balcony habang hawak siya ng mga kasama para hindi malaglag.

Inabot ng lalaki ang sanggol na nasa bubong at tuluyan niya itong nailigtas. Parang eksena sa isang action movie.

Dinig namang nakahinga nang malalim ang mga babaeng nagsasalita sa video.

Higit two million views ang nakuha ng video sa social media, at press time.

baby rescue in the balcony

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man busted after dressing up as a woman to take exam in place of girlfriend

HOW DID THE BABY END UP ON THE ROOF?

Ang sanggol ay nagtamo ng malilit na sugat sa braso at paa kaya isinugod sa ospital, ulat ng The Indian Express nitong April 29, 2024.

Pero paano ba napunta ang musmos sa bubong na nasa second floor? Ganito rin ang tanong ng ibang netizens.

Isa namang commenter ang nag-abalang sagutin ang mga tanong.

Aniya: “From what I could gather from this thread looks like the baby slipped out of mother’s hand from one of the upper floor balcony onto this shed structure. This is why it is so important to have safety grill & net installed on balconies on all apartments. Miracle that kid is ok.”

Sinabi naman sa isa pang Indian media outlet na inaabot ng ina ang mop sa labas ng kanyang upper-floor apartment nang mabitawan niya ang bata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mapapansin din sa video ang mop sa bubong malapit sa kinaroroonan ng sanggol.

Wala naman daw nakitang foul play ang pulisya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A viral video shows a seven-month-old baby dangling from the roof of an apartment unit on the second floor.
PHOTO/S: Newsflare.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results